Give witness to our Catholic faith, hamon ng Simbahan sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 807 total reads

Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Mission ang mananampalataya na paigtingin ang pagsasabuhay ng pananampalataya sa Panginoon.

Ayon kay Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona, MSP, mahalagang ipagpatuloy ng mamamayan ang pagiging saksi ng pananampalataya at pagbahagi nito sa kapwa bilang pakikiisa sa misyon ni Hesus sa sanlibutan.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng buwan ng misyon na unang itinalaga ng simbahang katolika tuwing buwan ng Oktubre.

“Be a good Christian because by becoming good, we give witness to our catholic faith; when we give witness we are already spreading God’s love and message of salvation,” pahayag ni Bishop Mesiona sa Radio Veritas.

Sinabi ng Obispo na ang paggunita sa buwan ng misyon ay paalala na tungkulin ng bawat isa na maging kaisa at kabahagi ng misyon ni Hesus bilang mga binyagang Kristiyano.

Hiling ni Bishop Mesiona na sa pagganap sa misyon ay ipanalangin ang mga biktima ng COVID-19 na sa pandaigdigang tala ay mahigit 30-milyong katao.

Sa taya, libu-libong Filipino missionaries ang nasa iba’t-ibang bahagi ng daigdig na naglilingkod at nagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon kabilang na ang mga lay missionaries.

Dalangin ni Bishop Mesiona na sa paglago ng Kristiyanismo sa bansa ay mas mag-alab pa ang pananamapalataya ng mamamayan tungo sa pagkakabuklod-buklod.

“As we celebrate the 500 years of Christianity, sana patuloy tayong magiging isang simbahang may misyon; a missionary church,” dagdag ni Bishop Mesiona.

Sa ika – 18 ng Oktubre ay ipagdiriwang ng simbahan ang World Mission Sunday kung saan sa Pilipinas magkakaroon ng online catechesis sa pangunguna ng Commission on Mission ng CBCP.

Magsisimula ang online catechesis sa ika-10 ng Oktubre at magtatagal hanggang sa susunod na taon sa pagdiriwang ng ika – 500 taon ng Kristiyanismo at matutunghayan sa Facebook page ng CBCP Episcopal Commission on Mission at iba pang social media pages ng simbahan.

Patuloy namang hinimok ni Bishop Mesiona ang bawat isa na gamitin ang bawat pagkakataon na ibahagi ang misyong paglingap sa kapwa at ipadama ang pag-ibig ng Diyos at patuloy na suportahan ang misyon ng simbahan.

“If we have opportunities sana we can reach out sa ating mga kapatid at ipadama natin ang pagmamahal ng Dios, ipadama natin ang Kanyang concern sa bawat isa,” ani ng obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 61,848 total reads

 61,848 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 157,871 total reads

 157,871 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 202,139 total reads

 202,139 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 225,248 total reads

 225,248 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 297,680 total reads

 297,680 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top