Mananampalataya ng Surigao, hinimok na sumunod sa COVID-19 safety protocols

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 737 total views

Pinaalalahanan ng Diyosesis ng Surigao ang mananamapalataya na sundin ang mga alituntuning ipinatutupad ng mga eksperto sa kalusugan upang maiwasan ang pagkahawa sa corona virus.

Ayon kay Bishop Antonieto D. Cabajog, mahigpit ang Surigao city sa pagpatupad ng health protocol sapagkat iniwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 lalo na ang local transmission.

“Mag-ingat lang tayo ugaliin natin ang social distancing at iba pang health protocol; Mag mahigpit ngayon dito sa Surigao para maiwasan ang mga incidents ng local transmission,” pahayag ni Bishop Cabajog sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ng obispo na matutunghayan din ng mananampalataya ng Surigao ang mga misa sa online livestreaming sa mga social media pages ng bawat parokya lalo na sa paggunita ng mga yumaong mahal sa buhay.

Ito ay kasunod ng anunsyo ng pamahalaan na pagsasara sa mga sementeryo sa bansa mula ika – 29 ng Oktubre hanggang sa ikaapat ng Nobyembre upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.

Hinikayat din ni Bishop Cabajog ang mamamayan na bisitahin ang website ng diyosesis upang malaman ang mga gawain ng simbahan sa bawat araw.

“We have our diocesan website, we just launch the website two sundays ago; makikita doon ang lahat ng informations sa diocese of surigao website,” dagdag ni Bishop Cabajog.

Mas pinalakas ng diyosesis ang livestreaming ng mga misa makaraang isinailalim sa modified enhanced community quarantine ang ilang lugar sa Surigao City dahil sa pagdadagdag ng mga kaso ng COVID-19.

Ayon pa sa obispo maglalaan ng araw ang mga pari ng diyosesis na magbasbas sa puntod sa mga Catholic cemeteries pagkatapos ng temporary lockdown ng mga sementeryo.

Una nang hinikayat ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mga simbahan na magtalaga ng karagdagang misa sa bawat Parokya upang mabigyang pagkakataon ang mamamayan na makapag-alay ng misa para sa yumaong mahal sa buhay sa nalalapit na undas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 32,334 total views

 32,334 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 206,268 total views

 206,268 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 183,901 total views

 183,901 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 246,828 total views

 246,828 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 264,189 total views

 264,189 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top