Makabagong teknolohiya, gawing kasangkapan ng kabanalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,063 total reads

Ang makabagong teknolohiya at paraan ng komunikasyon ay maaaring maging epektibong kasangkapan ng kabanalan at ebanghelisasyon kung ang pundasyon ay ang pag-ibig kay Hesus.

Ito ang pagninilay ni Diocese of Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. kaugnay sa pagiging isang ganap na Beato ni Blessed Carlo Acutis.

Ayon sa Obispo na siya ring Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Communications, ang buhay at kabanalan ng 15-taong gulang na Italyano na si Carlo Acutis ay isang napapanahong katibayan na ang lahat ay maaaring maging banal.

Inihayag ni Bishop Maralit na si Blessed Carlo Acutis din ang nagsisilbing patotoo na maging ang mga kabataan sa kasalukuyang makabagong panahon ay maaaring maging banal.

“Si Carlo Acutis ang napapanahon na pruweba na ang lahat talaga ay pwede maging banal at kahit ang makabagong teknolohiya at pamamaraan ng komunikasyon ay pwedeng maging instrumento ng kabanalan kung ang magiging pundasyon ay ang pag-ibig kay Hesus at ang pagmamalasakit sa kapwa. Isa siyang konkretong halimbawa ng kabanalan para sa mga kabataan ng makabagong panahon.”pahayag ni Bishop Maralit sa panayam sa Radio Veritas.

Pinangunahan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang beatification ni Blessed Carlo Acutis ang 15-taong gulang na Italyano na ginamit ang kanyang kaalaman sa teknolohiya at internet sa pagpapalaganap ng mabuting salita ng Diyos hanggang sa pumanaw dahil sa kanyang sakit na leukemia noong 2006.

Si Blessed Carlo Acutis ang tinaguriang unang millenial na na-beatify at isa ring huwaran para sa makabagong pamamaraan ng pagbabahagi ng Salita ng Diyos.

Bago pumanaw noong ika – 12 ng Oktubre taong 2006 ay ini-alay ni Blessed Carlo Acutis ang kanyang buhay para sa Diyos at sa Simbahang Katolika sa pamamagitan ng pagsusumikap na maipalaganap ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan ng pakikipagkomunikasyon gamit ang internet.

Ang beatification sa batang Beato ay isang mahalagang hakbang para maging isang ganap na santo at isang pagkilala ng Simbahan na tunay ng nakapasok sa langit ang isang indibidwal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 67,064 total reads

 67,064 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 162,750 total reads

 162,750 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 207,018 total reads

 207,018 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 230,127 total reads

 230,127 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 302,247 total reads

 302,247 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top