Mananampalataya ng Surigao, hinimok na sumunod sa COVID-19 safety protocols

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 895 total reads

Pinaalalahanan ng Diyosesis ng Surigao ang mananamapalataya na sundin ang mga alituntuning ipinatutupad ng mga eksperto sa kalusugan upang maiwasan ang pagkahawa sa corona virus.

Ayon kay Bishop Antonieto D. Cabajog, mahigpit ang Surigao city sa pagpatupad ng health protocol sapagkat iniwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 lalo na ang local transmission.

“Mag-ingat lang tayo ugaliin natin ang social distancing at iba pang health protocol; Mag mahigpit ngayon dito sa Surigao para maiwasan ang mga incidents ng local transmission,” pahayag ni Bishop Cabajog sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi ng obispo na matutunghayan din ng mananampalataya ng Surigao ang mga misa sa online livestreaming sa mga social media pages ng bawat parokya lalo na sa paggunita ng mga yumaong mahal sa buhay.

Ito ay kasunod ng anunsyo ng pamahalaan na pagsasara sa mga sementeryo sa bansa mula ika – 29 ng Oktubre hanggang sa ikaapat ng Nobyembre upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.

Hinikayat din ni Bishop Cabajog ang mamamayan na bisitahin ang website ng diyosesis upang malaman ang mga gawain ng simbahan sa bawat araw.

“We have our diocesan website, we just launch the website two sundays ago; makikita doon ang lahat ng informations sa diocese of surigao website,” dagdag ni Bishop Cabajog.

Mas pinalakas ng diyosesis ang livestreaming ng mga misa makaraang isinailalim sa modified enhanced community quarantine ang ilang lugar sa Surigao City dahil sa pagdadagdag ng mga kaso ng COVID-19.

Ayon pa sa obispo maglalaan ng araw ang mga pari ng diyosesis na magbasbas sa puntod sa mga Catholic cemeteries pagkatapos ng temporary lockdown ng mga sementeryo.

Una nang hinikayat ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mga simbahan na magtalaga ng karagdagang misa sa bawat Parokya upang mabigyang pagkakataon ang mamamayan na makapag-alay ng misa para sa yumaong mahal sa buhay sa nalalapit na undas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 89,615 total reads

 89,615 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 123,117 total reads

 123,117 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 158,416 total reads

 158,416 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 384,686 total reads

 384,686 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 273,413 total reads

 273,413 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top