Taong walang pananampalataya, hindi magkakamit ng kaligtasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 230,979 total reads

Maringal na ipinagdiwang ng mananampalataya ang kapistahan ng mahal na birhen ng Santissimo Rosaryo La Naval de Manila sa kabila ng malakas na ulan at limitadong bilang ng maaaring makapasok sa simbahan noong ika-11 ng Oktubre 2020.

Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng banal na misa sa National Shrine of Our Lady of the Holy Rosary sa Sto. Domingo Church Quezon City.

Sa pagninilay ng Obispo, binigyang diin nito na si Maria ang huwaran ng pag-asa, kagalingan at pagkakaisa para sa mga mananampalataya sa gitna ng nararanasang pandemya.

Inihayag ni Bishop Ongtioco na ang ipinamalas na pakikiisa ng Mahal na Birheng Maria sa kalooban ng Diyos ang s’yang dapat na matularan ng mananampalataya upang matamo ang pagpapala ng Diyos at maibahagi ito sa kapwa.

“Dito nakikita natin ang ating mahal na ina bilang modelo kung paano tayo tumtugon makiisa sa plano ng Diyos at ang bunga nito hindi lamang ikaw ang pagpapalain ng Diyos.”pahayag ng Obispo.

Ipinaalala din ng Obispo kung gaano kahalaga na palakasin ang pananampalataya sa panahong sinusubok ang buong mundo.

Sinabi ng Obispo na ang taong walang pananampalataya, at walang inaasahan kundi ang materyal na mga bagay ay hindi magkakamit ng kaligtasan.

Dahil dito, umaasa ang Obispo na nawa ang debosyon sa mahal na birhen at pananampalataya sa Panginoon ng mga tao ay magbibigay inspirasyon sa kanilang kapwa.

“Ang inyong debosyon ay magbunga sana ng maraming biyaya at ma-inspire din ang maraming tao sa inyo.. ‘Di ba sabi ng mga kabataan sana all? Sana all ng mga tao matibay ang debosyon, pananalig kay Maria.” Dagdag pa ng Obispo.

Labis naman ang pasasalamat ni Rev. Fr. Roger Quirao, O.P. Prior ng Sto. Domingo Church dahil sa kabila ng kakaibang selebrasyon ngayong taon ay hindi pinabayaan ng Mahal na Birhen ang mga mananampalataya.

“Sadyang kakaiba ang ating pagdiriwang sa taong ito dahil sa krisis na ating nararanasan. Wala ang magagandang baldochino ng ating Mahal na Ina, wala ang karosang punong-puno ng dekorasyon, wala ang maraming taong namamanata. Ngunit alam nating lahat na tayo ay hindi pababayaan, na tayo ay patuloy nyang tutulunan at gagabayan sa pamamagitan ng mahal na birhen ng La Naval.” Pahayag ni Fr. Quirao.

Ang kapistahan ng La Naval de Manila ay ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng Oktubre. Ang imahen nito ang kauna unahang imahe ng mahal na Birhen sa Pilipinas na ginawaran ng koronasyon kanonika noong taong 1907.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 30,804 total reads

 30,804 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 67,605 total reads

 67,605 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 85,816 total reads

 85,816 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 170,144 total reads

 170,144 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 206,112 total reads

 206,112 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,097 total reads

 378,097 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top