CBCP sa pamahalaan, isulong ang restorative justice sa halip na punitive justice

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,496 total views

Binigyang diin ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) na katarungang nagpapabago at nagkakaloob ng pag-asa sa mga nagkasala ang dapat na manaig sa bansa at hindi ang katarungang nagpaparusa.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Legazpi Bishop Joel Baylon – chairman ng kumisyon sa isinagawang banal na misa sa Cathedral Parish of St. Gregory the Great, Legazpi City Albay para sa paggunita ng 33rd Prison Awareness Sunday.

Ayon sa Obispo, maliban sa pagsisilbing paalala na bigyang pansin ang kalagayan ng mga bilanggo sa bansa ay isa ring paraan ang Prison Awareness Week upang mamulat ang kamalayan ng mamamayan sa pagiging kapwa anak ng Diyos ng mga bilanggo.

Ipinaliwanag ni Bishop Baylon na bagamat nagkasala ay mas kinakailangan ng mga bilanggo ng gabay upang makapagbagong buhay sa pamamagitan ng katarungang nagkakaloob ng pag-asa o restorative justice sa halip na punitive na mapagparusa.

“Maliban sa panawagan na makilala natin ang mga kapatid nating nasa bilangguan na meron silang karapatan, meron din silang mga pangarap, meron din silang pagnanais na makapagbago kaya sabi ng Simbahan ang tunay na katarungan restorative justice huwag yung punitive, huwag yung parusa, huwag yung katarungang nagpaparusa kundi karatungan na nagpapabago at nagkakaloob ng pag-asa, justice must be restorative not punitive sabi ng Simbahan…” pahayag ni Legazpi Bishop Baylon.

Muli ring binigyang diin ng Obispo ang paninindigan ng Simbahan laban sa pagbabalik ng capital punishment na parusang kamatayan sa bansa.

Iginiit ng Obispo na walang anumang kasalanan ang hihigit pa sa dangal ng isang indibidwal kung saan wala ring sinuman ang may karapatang humusga o maghatol.

“Kung tutuosin walang tao na ang kasamaan ay higit pa sa kanyang dangal bilang tao there is no one who sin who’s evil whatever he has done is greater than his humanity na nagmula sa kamay at pagmamahal ng Diyos, walang sinuman sa atin ang pwedeng humatol at humusga sa isang taong nagkamali na wala na siyang karapatang mabuhay pa sa lupang ito”.pahayag ni Bishop Baylon

Naunang umapela ang CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) sa pamahalaan na sa halip na ibalik ang parusang kamatayan ay mas dapat na magsumikap ang mga otoridad na maipatupad ang kasalukuyang mga batas.

Muli namang nanawagan si Bishop Baylon sa mga mananampalataya na makiisa sa pagdarasal ng ‘Prayer for Restorative Justice and Second Chances Advocates’ para sa pagsusulong ng makatarungang lipunan na nagbibigay halaga sa buhay at dignidad maging ng mga nagkasala laban sa kapwa.

Ang panalangin na hango sa bagong encyclical ng Kanyang Kabanalan Francisco na Fratelli Tutti ay dadasalin tuwing alas-otso ng gabi na nagsimula noong ika-10 ng Oktubre na World Day Against the Death Penalty hanggang sa Human Rights Day sa ika-10 ng Disyembre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 50,871 total views

 50,871 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 46,740 total views

 46,740 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 82,942 total views

 82,942 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 91,547 total views

 91,547 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 116,568 total views

 116,568 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top