Pag-alala at pagpaparangal sa mga namayapa, tampok sa Radio Veritas special programming

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,008 total reads

Inaanyayahan ng Radio Veritas 846 ang mananampalataya na pakinggan ang inihandang special programming sa nalalapit na undas. Ayon kay Fr. Roy Bellen, Vice President for Operation ng himpilan, itatampok sa mga programa ang kuwento ng mga banal at mga katuruan ng simbahan na makatutulong sa paglago ng pananampalataya ng mamamayan.

“Bilang mga Katoliko, ang atin pong programa ay tungkol sa katesismo;mga pagpapaliwanag tungkol sa ating pananampalataya na may kinalaman sa mga espiritwal na bagay,’ pahayag ni Fr. Bellen sa Radio Veritas.

Ilan sa mga dapat abangan ng mga Kapanalig sa ‘UNDAS VERITAS 2020: PAG-ALALA, PANALANGIN AT PAGKILALA’ ang pagpapaliwanag tungkol sa buhay ng mga banal at kung paano ito nakatulong sa pananampalataya ng mamamayan.

Tatalakayin naman ni Veritasan anchor Fr. Jerome Secillano ang alituntuning dapat sundin sa cremation upang mabigyang dignidad ang mga yumao at maging ang pagdadalamhati. Ito ay pagbibigay halaga naman sa mga pumanaw dulot ng COVID-19 kung saan sa kautusan ng mga eksperto sa kalusugan na dapat agad sunugin ang bangkay upang maiwasan ang pagkalat pa ng virus.

Paliwanag ni Fr. Bellen, ito rin ay pakikiisa ng Veritas846 sa mga naulilang pamilya ng mga biktima ng corona virus lalu na ang mga frontliners na nagbuwis ng buhay para sa kapakanan ng nakararami.

“Ito rin ay ating espesyal na pamamaraan para yung lahat ng ating mga mahal na yumao nitong nakaraang 2020 sa gitna ng pandemya ay ating gunitain at pararangalan,” dagdag ng pari.

Tampok din sa araw ng mga patay ang pagpapaliwanag ng mga exorcist sa pagpaparamdam ng mga yumaong kaanak kung saan isa si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa magtatalakay kasama ang kaanak ng mga napaslang na biktima ng extra judicial killings.

Nauna nang hinimok ng simbahan ang mananampalataya na gawing makabuluhan ang paggunita ng undas ngayong ‘new normal’ lalo’t isinara sa publiko ang mga sementeryo sa bansa mula ika-29 ng Oktubre hanggang ika-4 ng Nobyembre bilang pag-iingat na lalaganap ang virus.

Nagpalabas na rin ng panalangin ang liturgical commission ng Archdiocese of Manila para sa mga yumao upang maging gabay ng pamilya sa pag-alala ng mga namayapang kaanak.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 104,448 total reads

 104,448 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 242,766 total reads

 242,766 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 358,543 total reads

 358,543 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 474,726 total reads

 474,726 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top