Archdiocese ng Lipa, nanawagan ng tulong para sa mga biktima ng bagyong Quinta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 694 total reads

Nagsasagawa na ng relief operations ang Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) matapos manalasa ang bagyong Quinta sa lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Renbrandt Tangonan, Communications and Advocacy officer ng LASAC, nakabalik na sa kanilang mga tahanan ang ilang mga residenteng naaapektuhan ng bagyo at agad na ring pinaabutan ng tulong.

Sinabi rin ni Tangonan na may ilang lugar ang patuloy na nakararanas ng power outage at mga kalsadang hindi madaanan dahil sa mga nagtumbahang puno at matinding pagbaha.

May ilang mga residente rin mula sa Agoncillo at Talisay-ang mga biktimang nakaligtas sa pagligalig ng bulkang Taal kasunod ang krisis ng pandemya, ang higit ding naapektuhan ng bagyong Quinta at sumira sa kanilang mga hanapabuhay at ari-arian.

Ayon kay Tangonan, maliban sa emergency response at relief, higit na kailangan ng mga ito ng transitional shelters at ligtas na lugar na dapat na agarang matugunan sa gitna ng banta ng mga kalamidad.

Naglabas na rin ng panawagan ang Arkidiyosesis para sa mga biktima ng bagyong Quinta.

Para sa mga nais magpahatid ng kanilang tulong at donasyon, maaaring itong ipadala sa pamamagitan ng online banking o money transfer.

Para malaman ang bank account numbers at iba pang impormasyon, maaaring bisitahin ang facebook page sa www.facebook.com/LASACInc o tumawag sa numerong 0925-559-5968 o kaya 404-8057 local 101.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 2,796 total reads

 2,796 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 41,063 total reads

 41,063 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 267,334 total reads

 267,334 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 160,799 total reads

 160,799 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 254,668 total reads

 254,668 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 150,317 total reads

 150,317 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top