Isuzu pick-up, simbolo ng matatag na partnership ng Caritas Manila at Isuzu Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 735 total reads

Nagpasalamat ang pamunuan ng Caritas Manila sa Isuzu Philippines Corporation sa pagtugon sa pangangailangan ng social arm ng Archdiocese of Manila upang makapaghatid ng tulong sa mga mahihirap na komunidad.

Ang pasasalamat ay kasunod ng pagkakaloob ng kompanya ng isang Isuzu pick-up na magagamit sa mga relief operations ng Caritas Manila sa iba’t-ibang bahagi ng Luzon partikular sa National Capital Region.

Ayon kay Caritas Manila Executive Director Reverend Father Anton CT Pascual, makabuluhan ang pagkaloob ng sasakyan sa mas pinaigting na pag-aabot ng tulong sa mga malilit na komunidad sa Metro Manila at sa mga driver ng jeep na nawalan ng kabuhayan.

“Nagpapasalamat tayo kay Hajime Koso ang presidente ng Isuzu Philippines Corporation na naghandog ng isang Isuzu pick-up at nag- donate sa Caritas Manila para magamit ngayong pandemya kung saan tayo ay patuloy na nagbibigay ng ayuda sa mga nagugutom na jeepney drivers, at mga urban poor communities,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Tiniyak naman ni Isuzu Philippines President Hajimi Koso ang patuloy na pagsuporta sa mga programa ng social arm ng simbahan sa ikauunlad ng pamumuhay ng mga maralitang Filipino.
“Isuzu Philippines is truly devoted to be able to help the endeavours of Caritas Manila to enrich and uplift the lives of the Filipinos through various social and livelihood program,” mensahe ni Koso.

Inihayag ni Fr. Pascual na bawat pribadong kompanya ay nagpapatupad ng corporate social responsibility subalit mahalaga ang partnership sa iba’t-ibang organisasyon tulad ng Caritas Manila na malawak ang networking sa mga komunidad.

Bukod sa handog na sasakyan, benepisyaryo rin ang Caritas Manila sa programa ng kompanya na ‘Isuzu Kasama Mo’, kung saan sa bawat pagbili ng sasakyan ng Isuzu ay makapag-donate na rin ito ng mga medical supplies para sa mga frontliners.

Umaasa si Fr. Pascual na mas lumawak pa ang pagtutulungan ng Caritas Manila sa iba’t-ibang pribadong institusyon upang higit na maabot ang mga maralita na kadalasang biktima ng kalamidad at man-made crisis.

Pinangunahan naman ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang pagbabasbas sa sasakyan, kasama sina Fr. Pascual, Hajime Koso, mga kawani ng Caritas Manila at Isuzu Philippines.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 500 total reads

 500 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 2,679 total reads

 2,679 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 9,933 total reads

 9,933 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 47,313 total reads

 47,313 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 78,584 total reads

 78,584 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 155,493 total reads

 155,493 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 249,241 total reads

 249,241 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top