Pagyamanin ang tunay na diwa ng Todos Los Santos sa halip na katatakutan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 884 total reads

Umaasa ang punong pastol ng Diyosesis ng Novaliches na higit pagyamanin ng mananampalataya ang diwa ni Kristo sa tulong ng mga banal ng Simbahang Katolika.

Hinimok ni Bishop Roberto Gaa ang mananampalataya na alalahanin ang mabuting halimbawa ng yumaong banal at mga mahal sa buhay sa halip gawing katatakutan ang paggunita ng Undas.

Ayon sa Obispo, kailangang nakasentro sa pananampalataya ang Araw ng mga Santo at Araw ng mga Patay na panahon ng panalangin at pagpaparangal sa mga namayapa.

“Sana makita din natin na yung ating pananampalataya ay nagdadala sa atin ng pag-asa, magdadala ng kapayapaan; panahon ito ng pagdarasal sa mga yumao at mga banal,” pahayag ni Bishop Gaa sa Radio Veritas.

Pinaalalahanan ng Obispo ang mananampalataya na ang nakaugalian na halloween o pagsusuot ng mga nakatatakot na maskara ay taliwas sa katuruan ng simbahan at hindi angkop na gawain sa paggunita ng mga banal.

Inihayag ni Bishop Gaa na bilang mga Kristiyano ay gamitin ang pagkakataon na palaganapin ang wastong turo ng pananampalataya.

“Mag-ingat po tayo na malihis sa turo; huwag nating kalimutan ang ating pananampalataya at lagi po tayong nakatutok sa pagpapalaganap at pagpapalago ng ating pananampalataya,” dagdag pa ni Bishop Gaa.

Sa mga nakalipas na todos los santos, unti-unting pinalaganap sa Pilipinas ang tradisyong ‘parade of saints’ kung saan magbibihis ang mga bata ng damit ng Santo.

Ngayong taon, hinimok ang mananampalataya na ituon ang panahon sa pagdarasal sa mga simbahan at sa mga tahanan dahil ipinagbabawal ang pagdalaw sa mga sementeryo hanggang sa ikaapat ng Nobyembre bilang pag-iingat ng pamahalaan na kakalat pa ang corona virus disease.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 67,072 total reads

 67,072 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 162,758 total reads

 162,758 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 207,026 total reads

 207,026 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 230,135 total reads

 230,135 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 302,255 total reads

 302,255 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top