Isuzu pick-up, simbolo ng matatag na partnership ng Caritas Manila at Isuzu Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 841 total reads

Nagpasalamat ang pamunuan ng Caritas Manila sa Isuzu Philippines Corporation sa pagtugon sa pangangailangan ng social arm ng Archdiocese of Manila upang makapaghatid ng tulong sa mga mahihirap na komunidad.

Ang pasasalamat ay kasunod ng pagkakaloob ng kompanya ng isang Isuzu pick-up na magagamit sa mga relief operations ng Caritas Manila sa iba’t-ibang bahagi ng Luzon partikular sa National Capital Region.

Ayon kay Caritas Manila Executive Director Reverend Father Anton CT Pascual, makabuluhan ang pagkaloob ng sasakyan sa mas pinaigting na pag-aabot ng tulong sa mga malilit na komunidad sa Metro Manila at sa mga driver ng jeep na nawalan ng kabuhayan.

“Nagpapasalamat tayo kay Hajime Koso ang presidente ng Isuzu Philippines Corporation na naghandog ng isang Isuzu pick-up at nag- donate sa Caritas Manila para magamit ngayong pandemya kung saan tayo ay patuloy na nagbibigay ng ayuda sa mga nagugutom na jeepney drivers, at mga urban poor communities,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Tiniyak naman ni Isuzu Philippines President Hajimi Koso ang patuloy na pagsuporta sa mga programa ng social arm ng simbahan sa ikauunlad ng pamumuhay ng mga maralitang Filipino.
“Isuzu Philippines is truly devoted to be able to help the endeavours of Caritas Manila to enrich and uplift the lives of the Filipinos through various social and livelihood program,” mensahe ni Koso.

Inihayag ni Fr. Pascual na bawat pribadong kompanya ay nagpapatupad ng corporate social responsibility subalit mahalaga ang partnership sa iba’t-ibang organisasyon tulad ng Caritas Manila na malawak ang networking sa mga komunidad.

Bukod sa handog na sasakyan, benepisyaryo rin ang Caritas Manila sa programa ng kompanya na ‘Isuzu Kasama Mo’, kung saan sa bawat pagbili ng sasakyan ng Isuzu ay makapag-donate na rin ito ng mga medical supplies para sa mga frontliners.

Umaasa si Fr. Pascual na mas lumawak pa ang pagtutulungan ng Caritas Manila sa iba’t-ibang pribadong institusyon upang higit na maabot ang mga maralita na kadalasang biktima ng kalamidad at man-made crisis.

Pinangunahan naman ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang pagbabasbas sa sasakyan, kasama sina Fr. Pascual, Hajime Koso, mga kawani ng Caritas Manila at Isuzu Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 67,073 total reads

 67,073 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 162,759 total reads

 162,759 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 207,027 total reads

 207,027 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 230,136 total reads

 230,136 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 302,256 total reads

 302,256 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top