Obispo, umaapela sa mamamayan na tulungan ang mga apektado ng bagyong Rolly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,088 total reads

Umaapela ang pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity sa mananampalataya na magkaisa sa pananalangin para sa kaligtasan ng mga maapektuhan ng super typhoon Rolly.

Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, ang chairman ng komisyon, higit diringgin ng Panginoon ang pagsusumamo ng nagkakaisang bayan na nananalangin para sa bawat isa.

Nanawagan din ang Obispo sa mamamayan na tulungan din ang mga nasalanta ng bagyo at maging bukas upang lingapin ang nangangailangan ng kanlungan.

“Ako po si Bishop Pabillo ang administrator ng Archdiocese of Manila. Alam po natin na tayo po ay dinadalaw ng isang napakalakas na bagyo kaya humihingi po kami ng tulong sa inyo na tulungan natin ang mga kapatid nating nasalanta alam ko pong mahirap humingi ng tulong ngayon kasi lahat naman tayo ay tinatamaan po ng COVID19 pero ngayon may mga kapatid din tayo na mas lalong nahihirapan kaya kung nasaan po tayo makatulong tayo sa kanila tumulong po tayo sa kanila,” apela ng obispo sa panayam ng Radio Veritas.

Sa taya ng PAGASA ganap na alas 4:50 ng madaling araw nang mag-landfall ang bagyong Rolly sa Bato Catanduanes kung saan taglay ang lakas ng hanging aabot sa 25 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 280 kilmetro kada oras.

Tinatahak ng bagyo ang kanluran timog-kanluran sa bilis ng 25 kilometro kada oras at nag-landfall sa ikalawang pagkakataon sa bahagi ng Tiwi Albay.

Sinabi naman ni Archdiocese of Capiz Archbishop Cardinal Jose Advincula na kaisa ito sa pananalangin para sa kaligtasan ng mga Filipino lalo na sa mga lugar na daraanan ng super typhoon.

“I will include all your intentions especially for the safety of everyone,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Kumikilos na rin ang mga social action centers ng bawat diyosesis sa apektadong lalawigan upang lingapin ang mga nasalanta ng bagyo na kasalukuyang nanunuluyan sa mga simbahan.

Appeal for help
Bishop Broderick Pabillo
Apostolic Administrator
Archdiocese of Manila

“Ako po si Bishop Pabillo ang administrator ng Archdiocese of Manila. Alam po natin na tayo po ay dinadalaw ng isang napakalakas na bagyo kaya humihingi po kami ng tulong sa inyo na tulungan natin ang mga kapatid nating nasalanta alam ko pong mahirap humingi ng tulong ngayon kasi lahat naman tayo ay tinatamaan po ng COVID19 pero ngayon may mga kapatid din tayo na mas lalong nahihirapan kaya kung nasaan po tayo makatulong tayo sa kanila tumulong po tayo sa kanila,”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 67,082 total reads

 67,082 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 162,768 total reads

 162,768 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 207,036 total reads

 207,036 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 230,145 total reads

 230,145 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 302,265 total reads

 302,265 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top