SAC ng Simbahan, puspusan ang “rapid assessment” sa pinsala ng bagyong Rolly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 840 total reads

Puspusan ang ginagawang rapid assessment ng iba’t-ibang Diyosesis na sinalanta ni super typhoon Rolly.

Inihayag sa Radio Veritas ni Renbrandt Tangonan, communication officer ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission na tinatapos nila ang rapid assessment sa lalawigan ng Batangas upang malaman ang kabuuang bilang ng mga residenteng matinding naapektuhan ng bagyo.

Ayon kay Tangonan, wala pa ring kuryente sa buong lalawigan at kitang-kita ang matinding pinsala sa mga ari-arian, kabuhayan ng mamamayan at imprastraktura.

Ibinahagi naman ni Fr. Allan Malapad, dating Social Action Director ng Diocese of Boac, Marinduque ang matinding pinsala sa mga tahanan at kabuhayan ng mga residente ng bagyong Rolly na mas malala sa pinsala ng nagdaang bagyong Quinta.

Sinabi ng Pari na nagkaroon ng matinding pagbaha sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan at pagguho ng mga lupa maging ang pagkasira ng ilang tulay at kalsada dulot ng malakas na pag-agos ng tubig mula sa ilog.

Bagamat naibalik na ang daloy ng kuryente sa ibang lugar, nasa state of calamity pa rin ang bayan ng Torrijos at Boac magmula pa noong manalasa ang bagyong Quinta.

Ibinahagi naman ni Diocese of Gumaca Assistant SAC Director Fr. Rustom Dirain na hindi pa rin naibabalik sa kasalukuyan ang suplay ng kuryente.

Naghahanda na rin ang Arkidiyosesis ng Nueva Caceres na mamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo.

Nanawagan din ng tulong si Fr. Marc Real, ang SAC Director ng arkidiyosesis para sa residenteng nawalan ng kabuhayan at ari-arian dahil sa hagupit ng bagyong Rolly.

Hindi naman gaano naapektuhan ng bagyong Rolly ang Apostolic Vicariate ng San Jose, Occidental Mindoro.

Ayon kay Fr. Rolando Villanueva, SAC Director ng bikaryato na ramdam pa rin nila ang epekto ng bagyong Quinta na matindi ang iniwang pinsala sa lalawigan lalo na sa sektor ng agrikultura.

Patuloy naman na humihiling ng panalangin ang mga diyosesis gayundin ang pangangalap ng tulong para sa mga apektadong residente na muling makabangon mula sa matinding epekto ng dalawang magkasunod na bagyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 19,162 total reads

 19,162 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 99,968 total reads

 99,968 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 194,194 total reads

 194,194 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 254,683 total reads

 254,683 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 267,586 total reads

 267,586 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 70,524 total reads

 70,524 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top