Mananampalataya, hinimok na maglagay ng “advent wreath” sa tahanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 569 total views

Hinimok ng Arkidiyosesis ng Maynila ang mananampalataya na gawing makabuluhan ang paghahanda sa kapanganakan ng Panginoong Hesukristo.

Ito ang nilalaman ng inilabas na pastoral instruction ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo para sa nasasakupan.

Ayon kay Bishop Pabillo, bagamat maraming pagbabago sa mga nakasanayang paghahada ng pasko bunsod ng pandemya ay mahalagang ituon ito sa pagpapalalim ng pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin.

Hinimok ng tagapangasiwa ng arkidiyosesis ang bawat tahanan na magkaroon ng “advent wreath” na tanda ng apat na linggong paghahanda sa kapanganakan ni Hesus.

Maaring magtipon ang mag-anak tuwing Linggo ng adbiyento upang sama-samang manalangin,magpahayag ng Salita ng Diyos habang iniilawan ang mga kandila sa advent wreath.

Bukod dito, hinikayat din ang mananampalataya na mangumpisal, dumalo sa simbang gabi at misa de gallo, at tumanggap ng komunyon sa mga parokya.

Sa mga hindi pa maaring lumabas sa mga tahanan inaanyayahan itong makilahok sa mga online masses, online recollections at iba pang gawain.

Tiniyak din ni Bishop Pabillo sa mananampalataya na may inihandang panalangin ang Liturgical Commission ng arkidiyosesis na magamit ng bawat pamilya bilang gabay sa mga gawain ngayong adbiyento at sa araw ng Pasko ng Pagsilang.

Inaanyayahan din ng obispo ang bawat pamilya na sama-samang ipagdiwang ang Pasko sa bawat tahanan upang higit na mapalalim ang ugnayan ng bawat miyembro ng pamilya.


BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 72,711 total views

 72,711 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 100,716 total views

 100,716 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 118,516 total views

 118,516 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 115,512 total views

 115,512 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 222,511 total views

 222,511 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top