‘Year of Missio Ad Gentes’, ilulunsad ng simbahan ‘online’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 937 total reads

Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na makiisa sa paglulunsad ng Year of Missio Ad Gentes.

Ayon kay Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mission, ito ang paksa ng ikasiyam na taong paghahanda para sa ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa 2021.

Paliwanag ng obispo na nais ng simbahang mas mapaigting ang pakikilahok ng mananampalataya sa pagsasagawa ng misyon ni Hesus na ipalaganap ang mga Salita ng Diyos sa sambayanan.

“Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa launching ng Year of Missio Ad Gentes; nais ng simbahan sa pagdiriwang na ito na maging masigasig tayo sa ating misyon alinsunod sa habilin ni Hesus bago umakyat sa langit na humayo at ipahayag ang Mabuting Balita,” pahayag ni Bishop Mesiona sa panayam ng Radio Veritas.

Taong 2013 nang magsimula ang siyam na taong paghahanda sa 500 Years of Christianity sa pamamagitan ng paglunsad noon ng Year of the Integral Faith Formation.

Dahil sa pandemya, ayon kay Bishop Mesiona ay gaganapin online ang grand launching ng Missio Ad Gentes sa ika-28 ng Nobyembre alas-tres ng hapon na matutunghayan sa Facebook Page ng CBCP Episcopal Commission on Mission, Radyo Veritas PH, CBCP at iba pang social media pages ng simbahan.

Una nang naglunsad ng katesismo ang CBCP hinggil sa pagmimisyon noong Oktubre at ipinagpapatuloy ito lalo na ngayong taon ng misyon.

Hinimok ng obispo ang mananampalataya na subaybayan ang mga katesismo tuwing ikalawang sabado ng buwan upang higit pang mapalalim ang kamalayan ng bawat isa hinggil sa misyon ng simbahan.

Ilan sa mga tampok na gawain ngayong Taon ng Misyon ang online webinar series at ang Pista ng Misyon na inaasahang gaganapin sa 2021.

Ikinagalak din ni Bishop Mesiona ang pagkakaroon ng kauna-unahang mission parish ng Archdiocese of Jaro, Iloilo sa Kenya Africa nitong Nobyembre lamang sa gitna ng krisis pangkalusugang dulot ng corona virus pandemic.

Aniya, ito ay nagpapatunay na mas lumaganap ang pagmimisyon ng simbahan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba pang bahagi ng daigdig na konkretong pagsasabuhay sa Missio Ad Gentes o Mission to the Nations.

“Nakatutuwa na ang Archdiocese ng Jaro ay nakapag-adopt ng mission parish sa Africa, patunay lamang ito na buhay ang misyon ng simbahan hindi lamang sa Pilipinas kasama na rin ang iba pang bansa,” dagdag ng obispo.

Sa ilalim ng pangangalaga ng arkdiyosesis ang Holy Family Parish sa Turkana, Kaaleng Village sa Kenya sa ilalim ng Diocese of Lodwar na pamamahalaan nina Fr. Peter John Guarin atFr. Alfone Marie Berbegal na mula sa Arkidiyosesis ng Jaro.

Kinilala rin ni Bishop Mesiona ang mahigit sampung milyong Overseas Filipino Workers na tinaguriang misyonero ng makabagong panahon na nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng daigdig na nagpapalaganap din ng mga salita ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 10,224 total reads

 10,224 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 62,817 total reads

 62,817 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 110,689 total reads

 110,689 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 214,637 total reads

 214,637 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 300,153 total reads

 300,153 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top