2021, mapagtatagumpayan sa grasya ng Panginoon at intercession ni blessed virgin Mary

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 586 total reads

Hiniling ng pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Basic Ecclesial Communities sa mamamayan na ipagkatiwala sa Panginoon ang taong 2021 na malampasan ang anumang pagsubok na kakaharapin.

Ayon kay Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan, tulad ng nakalipas na 2020 na labis ang pagsubok sa lipunan ay napagtagumpayan ito sa tulong rin ng Mahal na Birhen.

“Let us hope for 2021 that by God’s grace and with the intercession of the Blessed Virgin Mary the Mother of God we will be able again to surpass all the trials in the coming years,” pahayag ni Archbishop Cabantan sa Radio Veritas.

Binigyang diin pa ng opisyal ng B-E-C ang higit na pagtibay ng samahan ng mga pamilya upang maging matatag sa pagharap ng anumang hamon.

Sinabi ni Archbishop Cabantan na maraming dapat natutuhan ang mamamayan sa pagpatupad ng lockdown sa buong daigdig tulad ng pagpahinga ng kalikasan at pag-igting ng pagdadamayan ng kapwa.

“I hope that we shall also consider all these lessons in this pandemic and lockdown and try to live responsibility in our lives truly; to care for ourselves, care for one another and to care for our common home,” ani Archbishop Cabantan.

Sa taya ng World Bank humigit kumulang sa tatlong milyong katao ang naghirap sa pagtapos ng 2020 dahil sa negatibong epekto ng pandemya sa sektor ng pamumuhunan kung saan maraming negosyo sa bansa ang nagsara dahil sa pagkalugi.

Dahil dito, patuloy na hinimok ni Archbishop Cabantan ang bawat mamamayan na mas paigtingin ang pagtutulungan at palawakin ang pakikipagkapwa upang maibsan ang paghihirap na dinaranas ng iba.

Matatandaang nang magsimulang ipatupad ang lockdown sa bansa ay agad na kumilos ang social action network ng bansa na kinabibilangan ng Caritas Philippines at Caritas Manila na nakapag-abot ng mahigit isang bilyong pisong halaga ng tulong sa mahigit isang milyong indibidwal sa Pilipinas partikular na sa kalakhang Maynila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 58,163 total reads

 58,163 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 154,437 total reads

 154,437 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 198,706 total reads

 198,706 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 221,815 total reads

 221,815 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 294,376 total reads

 294,376 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top