Traslacion ng Poong Hesus Nazareno, sabay-sabay na ipagdiriwang sa iba’t ibang panig ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 684 total views

Bagama’t walang magaganap na prusisyon mula sa Luneta hanggang sa simbahan ng Quiapo mas malawak na pagdiriwang ang gaganapin sa malaking bahagi ng bansa para sa Traslacion ng Poong Hesus Nazareno ngayong taon.

Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene, maraming mga parokya hindi lamang sa Maynila ang makikiisa sa sabayang pagdiriwang ng Traslacion upang maipabatid sa mananampalataya ang mensahe ng Poong Hesus Nazareno.

“Mula Batanes hanggang Mindanao simultaneous, sabay-sabay na magdiriwang ng kapistahan. Sa ibang mga lugar na pinayagan ng mga local government mayroong magaganap na prusisyon at pagmomotorcade,” ayon kay Fr. Badong sa programang Barangay Simbayanan.

Ang pahayag ni Fr. Badong ay kaugnay na rin sa ‘localized traslacion’ lalu’t nanatiling banta ang pandemya sa kaligtasan ng mga deboto.

“Mayroon tayong mga 14 replica na yearly nagta-Traslacion halimbawa Cagayan de Oro, Batanes, Catarman, Nueva Vizcaya, Iligan, Puerto Princesa at marami pa ‘yun January 9 nagkakaroon ng ng Traslacion. Ngayon mas pinarami pa kasi bawat probinsya, bawat Parokya ay nag-signify naman na sasabay sila sa January 9,” dagdag pa ng pari.



Tinatayang aabot sa 20 milyon ang mga deboto na dumadalo sa taunang traslacion sa simbahan ng Quaipo.

Ayon pa sa pari, ilang mga lalawigan pinayagan ng lokal na pamahalaan magsagawa ng motorcade sa araw ng kapistahan o sa Sabado ika-9 Enero.

Kasabay rin ng pagdiriwang ng pista, inanunsyo na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pagsasara ng ilang kalye malapit sa Quiapo dahil sa inaasahan pa ring pagdalo sa misa ng mga deboto.

Ayon pa kay Fr. Badong, “So hindi makakalabas ng Quiapo pero mas maraming Nazareno ang lalabas ngayon para ihatid ang mensahe. Maganda ang tema ngayon e “Huwag matakot, si Hesus ito”. So ang Nazareno, yung mga images sa iba’t ibang lugar maghahatid ng mensahe para talagang bumangon tayo dito sa pandemyang ito.”

Ang Plaza Miranda, Carriedo, Villalobos at Hidalgo ay inilaan ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga magsisimba upang maipatupad ang physical distancing lalu’t limitado lamang ang maaring makapasok sa simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 15,844 total views

 15,844 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 65,858 total views

 65,858 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 61,727 total views

 61,727 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 97,831 total views

 97,831 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 105,772 total views

 105,772 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top