Babangon tayo sa tulong ng Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,031 total reads

Hindi nagpapabaya ang Panginoon sa kabila ng mga trahedya at krisis na nararanasan ng mga mananampalataya. Ito ang pagninilay ni Fr. Douglas Badong, parochial vicas ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa misang ginanap sa Minor Basilica of Our Lady of Immaculate Conception sa Malolos Bulacan.
“Babangon tayo sa pagkadapa, babangon tayo sa bawat trahedya at ‘yan ang pangako sa atin ng Panginoon sa tulong ng Poong Hesus Nazareno,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Badong.
Ayon pa sa pari ang pagdalaw ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa mga simbahan ay paalala sa mamamayan ng pakikiisa ng Panginoon sa paghihirap na nararanasan.
Paliwanag pa nito sa mga debotong dumalo sa pagtitipon na inilalarawan ng krus na pasan ng Poon ang pag-ako nito sa mga pinapasan na paghihirap ng tao upang maibsan ang hapis at dusa na naramdaman.
Ikaanim ng Enero sa ikapitong araw ng nobenaryo sa kapistahan ng Traslacion ay bumisita ang Poong Nazareno sa Malolos Cathedral sa Bulacan kung saan daan-daang mga deboto mula sa iba’t ibang bayan ang nagsidalo.
Pinangunahan naman ni Fr. Domingo Salonga, STL ang pagsalubong sa imahe ng Nazareno. Naging katuwang naman sa pagdiriwang ng misa sina Rev. Msgr. Pablo Legaspi, Jr. ang Vicar General ng Diyosesis ng Malolos, Rev. Fr. Howard Tarayo at Rev. Fr. Joseph Fidel Roura.
Panawagan ni Fr. Badong sa mga kapwa deboto ng Poong Nazareno ang mahigpit na pagsunod sa mga ipinatupad na safety protocol upang maiwasan ang paglaganap ng sakit.
Sinabi ng pari na sa ganitong mga pagkakataon mas dapat ipakita ang debosyon at pagmamahal sa Panginoon sa taimtim na pananalangin at pagmamalasakit sa kapwa.
“Ngayon dapat ipakita ng mga deboto ang pananampalataya sa Diyos, sa Mahal na Poong Hesus Nazareno,” ani Fr. Badong. Ang pagdalaw ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa iba’t ibang simbahan ay bahagi ng localize ‘Traslacion’ nang kanselahin ang nakaugaliang prusisyon mula Luneta pabalik ng simbahan ng Quiapo dahil sa community restrictions at pag-iingat mula COVID-19.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 1,919 total reads

 1,919 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 53,203 total reads

 53,203 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 138,569 total reads

 138,569 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 185,305 total reads

 185,305 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 233,176 total reads

 233,176 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 334,593 total reads

 334,593 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top