Pamahalaan at simbahan, magkatuwang sa pagsusulong ng urban gardening

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 864 total reads

Hinimok ng Department of Agrarian Reform ang simbahan na makipagtulungan sa mga proyektong kapaki-pakinabang sa mga mamamayan.

Ayon kay Agrarian Secretary John Castriciones mahalagang magtulungan ang lahat upang mas lumago at matulungan ang mga mahihirap.

Ang pahayag ng kalihim ay kasunod ng inilunsad na proyektong ‘Buhay sa Gulay’ sa Quezon City.

Nais ni Castriciones na maging kabahagi ang simbahan sa mga proyektong tulad ng urban gardening na isinusulong ng DAR at mga lokal na pamahalaan.

“Gustong gusto natin [DAR] na ang mga taong simbahan ay talagang ma-involve dito [urban gardening]; I am encouraging all different dioceses, all parishes to cooperate with us so that we can work together and we will be able to sustain this kind of project,” pahayag ni Castriciones sa panayam ng Radio Veritas.

Unang inilunsad ang proyekto sa St. John Bosco Parish sa Tondo Manila noong Nobyembre sa halos isang ektaryang football field kung saan nitong Enero umabot sa halos P50, 000 ang kinita para sa 1000 kilo ng iba’t ibang uri ng gulay na inani sa ginanap na harvest festival.

Kinilala ng DAR ang pagtutulungan ng simbahan at pamahalaan sa matagumpay na ‘Buhay sa Gulay’ sa tondo kung saan kumita ito ng 50-libong piso sa unang ani na makakatulong sa pamayanan.



Sa tulong naman ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa pamamagitan ni Mayor Joy Belmonte, naglaan ito ng pitong ektaryang lupa sa New Greenland, Barangay Bagong silangan para sa proyekto ng tanggapan na makakatulong na mabawasan ang kahirapan at kagutuman.

Sa taya naman ni Castriciones aabot sa mahigit pitongdaang metriko tonelada ng gulay ang aanihin sa bawat ektarya at kapakipakinabang sa pitumpong residente na direktang benispiyaryo ng proyekto.

Una nang nanawagan ng pagtutulungan ang simbahang katolika sa pamahalaan para sa kapakanan at kapakinabangan ng nasasakupan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 55,177 total reads

 55,177 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 151,638 total reads

 151,638 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 195,907 total reads

 195,907 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 219,016 total reads

 219,016 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 291,685 total reads

 291,685 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top