CBCP, hinihikayat ang mga Filipino na magpabakuna ng COVID 19 vaccine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 502 total views

Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagsisikap ng pamahalaan upang makakuha ng COVID-19 vaccine at pagbibigay ng karapatang mauna ang mga pamilya mula sa mahihirap na komunidad na makatanggap nito.

Batay sa inilabas na pahayag ng CBCP-Episocopal Office on Bioethics, pinuri nito ang pamahalaan sa pagbibigay pansin sa mga mahihirap na mamamayan sa bansa para sa programa ng pagbabakuna.

Sinabi ng kalipunan ng mga Obispo na ang mga mahihirap na silang minamahal ng Panginoon, ay dapat na mapangalagaan dahil ang kahirapan ang lalong maglalapit sa kanila sa panganib na dala ng impeksyon at iba pang malalang mga sakit.

“The poor are beloved of the Lord. They should be especially protected because their poverty makes them vulnerable to infection and severe disease,” mula sa pahayag ng CBCP-Episcopal Office on Bioethics.



Hinihikayat naman ng mga Obispo ang mamamayan na magpabakuna oras na dumating sa bansa ang COVID-19 vaccine upang tuluyan nang magwakas at malunasan ang pandemyang nagpapahirap sa bansa.

Kaalinsabay ng pagsuporta ng kalipunan ay pinasalamatan din nito ang mga pribadong organisasyon na tumulong upang pondohan ang pagkuha ng bakuna.

Hinihimok naman nito ang pamahalaan at mga pribadong sektor na nawa’y na itaguyod ang sinel vaccine distribution plan na uunahin ang mga medical frontliner lalo na ang may mas mataas na posibilidad ng pagkahawa sa COVID-19.

“We urge our government and the private organizations who have helped fund the procurement of the COVID-19 vaccines to commit themselves to a single vaccine distribution plan that prioritizes medical frontliners and those who are most at risk for COVID-19,” ayon sa pahayag ng CBCP.

Samantala, ipinaalala naman ng CBCP na itinuturo sa katesismo ng simbahang Katolika na ang bawat isa ay may karapatang kumilos ng naaayon sa kaniyang konsensiya at may kalayaang gumawa ng moral na desisyon.

Dagdag pa ng kalipunan na kinikilala nitong ang bawat isa ay dapat hayaang magdesisyon kung pipiliin nitong mabakunahan o hindi ayon sa kanyang konsensiya.

“We therefore recognize that each individual person should be left free to decide to choose to be vaccinated or not according to his or her conscience…” ayon sa kalipunan ng mga Obispo.

Nabahala rin ang mga Obispo makaraang malaman na ang ilang COVID-19 vaccine ay nilikha gamit ang mga cell mula sa katawan ng isang pinalaglag na fetus na babae na pinaslang noon pang taong 1973.

“The perennial teaching of the Church must be repeated: Deliberately procuring abortion, even if it is for the purpose of obtaining material for vaccines, is morally unacceptable,” pahayag ng CBCP.

Matatandaang noong Oktubre, 2020, naglabas ang CBCP ng mga panuntunang humihikayat sa pamahalaan na unahin ang mga bakunang nalikha ng hindi gumagamit ng mga cell mula sa katawan ng pinalaglag na sanggol.

Ang pahayag pastoral na ito ay nilagdaan ni Tuguegarao Archbishop Ricardo Baccay, chairman ng CBCP-Office on Bioethics noong Enero 08, 2021, at pinagtibay ni Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng kalipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 107,975 total views

 107,975 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 129,980 total views

 129,980 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 154,322 total views

 154,322 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 175,548 total views

 175,548 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 203,096 total views

 203,096 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Legazpi, nanawagan ng tulong

 1,298 total views

 1,298 total views Nanawagan sa publiko ang Social Action Center ng Diocese of Legazpi na magpaabot ng tulong para sa libo-libong pamilyang naapektuhan ng panibagong pagliligalig

Read More »
Scroll to Top