Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 2,264 total views

Mga Kapanalig, sa gitna ng krisis na pinagdadaanan ng ating bayan at ng buong mundo – milyun-milyon ang walang trabaho, nagugutom, at hindi makapag-aral – prayoridad ng ating mga mambabatas na baguhin ang ating Saligang Batas o Charter Change (o mas kilalang Cha-cha). Sa halip na tutukan ang pagbili ng bakuna, nais unahin ng Kongreso na bumuo ng constituent assembly upang amyendahan ang pinakamahalagang batas sa bansa. Ngunit para saan?

Ayon sa mga nagsusulong nito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, kinakailangang baguhin ang mga istriktong probisyon nito na may kaugnayan sa ekonomiya, gaya ng pagbibigay ng higit na kalayaan sa mga foreigners na mag-negosyo at magmay-ari ng mga lupain sa bansa. Katwiran nila, makatutulong daw ito upang bumangon ang ating ekonomiya dahil mahihikayat nito ang mga negosyante sa bansa.

Para naman sa mga senador na sang-ayon sa Cha-cha, hindi lang ang probisyong pang-ekonomiya ng Saligang Batas ang dapat baguhin; kinakailangin ding palitan ang probisyon sa “democratic representation.” Bagaman hindi dinetalye ng mga senador ang ibig nilang sabihin sa kanilang panukala, ibinunyag ni Senate President Vicente Sotto III ang kahilingan ng Pangulo na buwagin ang partylist system sa bansa dahil ‘di umano’y pinasok na raw ito ng mga komunista.

Marami ang nababahala sa panukalang ito sapagkat kung matuloy ang pagbuo ng constituent assembly at gumulong ang proseso ng Cha-cha, maaaring galawin ng mga mambabatas ang kahit anong probisyon sa Saligang Batas. Sa nalalapit na pagtatapos ng termino ng pangulo at ng kalahati ng kamara, marami ang natatakot sa posibilidad na gamitin ang Cha-cha upang ipagpaliban ang eleksyon sa 2022 at mapahaba ang termino ng mga kasalukuyang nakaluklok. Maliban dito, isa ring tanong kung tama bang buwagin ang partylist sa bansa? Ano ang ipapalit dito at paano matitiyak ang representasyon sa ilalim ng ating demokrasya?



Bagaman pinahihintulutan ang pagpapanukala ng Cha-cha at legal ang pagbuo ng constituent assembly upang baguhin ang Saligang Batas, mahalagang sipatin ang layunin at timing ng pagsusulong nito. Sa pagtitimbang ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio, hindi kailangan na palawigin ang kalayaan ng mga foreigners sa bansa. Kinumpara niya ang pagbuhos ng foreign direct investments sa mga karatig nating bansa sa kabila ng pagkakatulad natin ng batas sa pagmamay-ari at pagne-negosyo ng mga dayuhan sa bansa. Aniya, ang pagkakaroon ng rule of law o ang maigting na pagpapatupad ng mga batas ang higit na makahihikayat sa mga negosyante. Samakatuwid, kailangan nga ba ang Cha-cha para muling buhayin ang ekonomiya at magdulot ng trabaho sa mga apektado ng pandemya? O sinasangkalan lamang ang dahilang ito upang makapag-sulong ng mga pansariling interes?

Malinaw ang turo ng Simabahan, “Ang tunay na demokrasya ay hindi lamang tungkol sa pagsunod sa mga proseso ng batas, ngunit ito’y bunga ng pagsasakatuparan sa pulitikal na buhay ng pagpapahalaga sa dignidad ng tao, respeto sa mga karapatang pantao, at pagkamit sa kabutihang panlahat o common good.” Ibig sabihin, ano mang hakbang ng mga nasa posisyon ay dapat nakatuon sa ikabubuti ng mga tao. Ang taumbayan ay una sa lahat, hindi ang pansariling interes.

Mga Kapanalig, ayon nga sa aklat ng Mga Kawikaan 15:27, “Ang gahaman ay nauuwi sa kaguluhan…” Bilang mga mamamayan at Kristiyano, tungkulin nating makilahok sa pulitika at siguruhing hindi taumbayan ang matatalo sa isinusulong na Cha-cha. Magtanong at busisiin natin ang bawat proseso at katwirang ihahain sa atin ng mga mambabatas. Makilahok tayo at iparinig natin ang ating boses. Minsan ngang sinabi ni Pope Francis, “Ang mabuting Katoliko ay nakikialam sa pulitika, ibinabahagi ang kanyang sarili, nang makapamuno ang mga namumuno.” Sa huli, tunay ngang ang pakikilahok ay isa sa mga pinakamatataas na porma ng kawang-gawa.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 22,594 total views

 22,594 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 30,694 total views

 30,694 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 48,661 total views

 48,661 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 77,757 total views

 77,757 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 98,334 total views

 98,334 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 22,595 total views

 22,595 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 30,695 total views

 30,695 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 48,662 total views

 48,662 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 77,758 total views

 77,758 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 98,335 total views

 98,335 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 86,340 total views

 86,340 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,121 total views

 97,121 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,177 total views

 108,177 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,039 total views

 72,039 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 60,468 total views

 60,468 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 60,690 total views

 60,690 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 53,392 total views

 53,392 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 88,937 total views

 88,937 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 97,813 total views

 97,813 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 108,891 total views

 108,891 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top