Kaligtasan, isinasaalang-alang ng mga Filipino sa COVID-19 vaccine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 582 total reads

Pangunahing isinasaalang-alang ng mga Filipino ang kaligtasan mula sa epektong dulot ng pagpapabakuna laban sa coronavirus disease.

Ito’y ayon sa huling pag-aaral na isinagawa ng Veritas Truth Survey sa may 1,200-respondents sa buong bansa sa pamamagitan ng text at online data gathering noong January 4-22.

Batay sa resulta ng V-T-S, 67-porsiyento ng mamamayan ang mas isinasaalang-alang ang safety o kaligtasan sa epekto ng COVID-19 vaccine sa katawan ng tao, 17-porsiyento naman sa efficacy o bisa ng bakuna, habang walong porsiyento ang nais munang malaman ang country of manufacture o bansa kung saan ginawa ang gamot.

Lumabas din sa pag-aaral na nais din munang malaman ng anim na porsiyento ng mamamayan ang pagpapatotoo ng mga naunang nabakunahan at dalawang porsiyento naman sa layunin ng paggamit nito.
see:

Ayon kay Bro. Clifford Sorita, chief strategist ng VTS, kinakailangan muna ng pamahalaan na bigyan ng malinaw na impormasyon at paliwanag ang publiko upang makuha ang tiwala at maging matagumpay ang vaccination program laban sa COVID-19.

“To build trust and confidence in our vaccination efforts, government should provide the public with easily understandable scientifically based information and ensure everyone’s concerns are addressed easily and often,” ayon kay Sorita.

Binigyang-diin naman ni Fr. Anton CT. Pascual, pangulo ng Radio Veritas, ang kahalagahan ng Bio-ethics sa mga vaccination plan, gayundin ang dapat na pagsasaalang-alang sa mga mahihirap na higit na nangangailangan nito.

Inisyatibo ng Radio Veritas ang survey na layong malaman ang mga dahilan at isinasaalang-alang ng publiko sa bakuna laban sa COVID-19.

Sa mga pinuno sa buong mundo, kabilang sa mga naunang nagpabakuna laban sa virus sina US President Joe Biden, Queen Elizabeth at Prince Philip ng Britanya, at sina Pope Francis at Pope Emeritus Benedict the XVI.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 66,224 total reads

 66,224 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 169,801 total reads

 169,801 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 206,589 total reads

 206,589 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 237,164 total reads

 237,164 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 282,774 total reads

 282,774 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 57,777 total reads

 57,777 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top