Pagpapalawig ng operasyon ng STL, inalmahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 414 total reads

Tinutulan ng Anti – Gambling advocate ang iminumungkahi ni House Minority Leader Danilo Suarez na pagpapalawig pa sa operasyon ng Small Town Lottery o STL sa buong bansa.

Ayon kay dating CBCP – President at Lingayen, Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, nagpapababa ng moralidad ang mga pasugalan lalo na sa mga manggagawang nagta – trabaho rito na lumilikha rin ng kultura ng katamaran.

“Marami namang puwedeng trabaho, sapagkat kung ang sugal ay magiging trabaho. Bakit hindi puwedeng trabaho yung prostitution? Bakit hindi puwedeng trabaho yung mga malalaswang sine, mga night club? Hindi naman ganun, kung bibigyan ng trabaho sana yung matinong trabaho, yung disenteng trabaho. Hindi yung trabahong nakakasira ng moralidad,” pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.

Naniniwala si Archbishop Cruz na marami pang disenteng programa na dapat pondohan ng pamahalaan lalo na ang pagpapalakas ng mga kooperatiba at mga productive industries na maglilikha ng opurtunidad sa mas nakararaming Pilipino.

“Marami namang pwedeng trabaho tulad ng kooperatiba, for example mga productive industries, andami bakit sugal pa at pagkatapos baka gawin ring trabaho yung mga pornography, gawing trabaho yung mga sine na malalaswa. Trabaho rin yun pero nakahihiyang trabaho,” giit pa ni Archbishop Cruz sa Radyo Veritas.

Sa kasalukuyan, nagbibigay ng trabaho ang mga STL sa mahigit 180,000 empleyado.

Nakikita naman ni Suarez na kung gagawing nationwide ang operasyon ng mga lottery stall ay magbibigay ito ng trabaho sa mahigit 1.5 milyong Pilipino at kikita ang gobyerno ng P152 bilyong piso kada taon.

Nauna ng ikinatuwa ni Archbishop Cruz ng ipagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang online gambling na nakadugtong sa mahigit apatnapung malalaking casino sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 28,314 total reads

 28,314 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 248,933 total reads

 248,933 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 283,604 total reads

 283,604 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 299,504 total reads

 299,504 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 333,999 total reads

 333,999 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 231,474 total reads

 231,474 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 366,966 total reads

 366,966 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top