Moral ng mga pulis, mas tumaas matapos ang Senate EJK probe

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 440 total reads

Inihayag ng Philippine National Police mas maganda at mataas pa rin ang moral ng buong kapulisan sa naganap na 2 araw na imbestigasyon ng Senado sa kanilang hanay dahil sa extrajudicial killings sa bansa.

Ayon kay PNP spokesman Senior Supt. Dionardo Carlos, sa pagdinig naipahayag ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa taong-bayan na hindi malala ang kaso ng EJK lalo na at ang mga pagpatay ay iniimbestigahan.

Nabatid sa pagdinig na hindi lahat ng 1, 160 na kaso ng pagpatay mula July 1 hanggang August 22, 2016 ay extrajudicial killings dahil 273 lamang dito ang napatunayang may kinalaman sa operasyon ng ilegal na droga habang karamihan ay ibat-ibang krimen sa mga lansangan.

“Moral ng PNP, mas maganda at nagpapasalamat kami sa 2 araw na pagdinig sa Senado upang ipahayag natin sa taong bayan ang totoong nangyayari sa ating komunidad sa lansangan na ang EJK na kanilang sinasabi ay hindi ganoon ka grabe, hindi totoo na all this death na under investigation ay EJK at ang lahat ng deaths under investigation ay hindi naman sa ilalim ng EJK dahil sa 1,000 plus na death under investigation are not yet confirmed as drug related, and only 273 to be drug-related ,the rest are crimes that are happening in the streets and these are now under investigation.

Kaugnay nito, kinumpirma rin ni Sr. Supt. Carlos na may 282 na miyembro ng PNP ang sangkot sa ilegal na droga habang nagpositibo naman sa drug test ang nasa 130.

Ayon kay Carlos, patunay lamang ang pagkakatuklas na ito na seryoso ang administrasyong Duterte at si Gen. Dela Rosa na linisin ang hanay ng pulisya mula sa bawal na gamot.

“Kung hindi nabigyan ito ng pansin noong nakaraang administrasyon, seryoso ngayon ang PNP. Kaya may random and required drug testing, hindi tino-tolerate ito ng PNP, ang lahat ng sangkot ay may kautusan na para sa summary dismissal proceedings, the Chief PNP wants them out,” pahayag ni Carlos sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa survey ng Philippine drug Enforcement Agency (PDEA) 94% ng mga barangay sa Metro Manila ay may operasyon ng ilegal na droga.

Mariing kinokondena ng Simbahang Katolika at ng estado ang ilegal na droga dahil sumisira ito hindi lamang ng pamilya, kundi maging kinabukasan ng mga kabataan at ng lipunan.

Una na ring inihayag ng mga obispo ng Simbahan na kinakailangan naman ng mga drug users ang rehabilitasyon habang ang mga drug pushers ay parusahan ng naaayon sa judicial process at hindi ang sintensiyahan sila ng kamatayan dahil may karapatan din ang mga itong magbagong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 28,324 total reads

 28,324 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 248,943 total reads

 248,943 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 283,614 total reads

 283,614 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 299,514 total reads

 299,514 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 334,007 total reads

 334,007 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 231,476 total reads

 231,476 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 366,968 total reads

 366,968 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top