Paglapastangan sa imahe ng mga banal sa Prelatura ng Isabela de Basilan, kinundena ng Claretian Missionaries

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 598 total reads

Kinundena ng Claretian Missionaries ang paglapastangan sa imahe ng mga banal at Mahal na Birhen sa dalawang kapilya sa Prelatura ng Isabela de Basilan.

Sa pahayag na inilabas ng kongregasyon muli nitong iginiit ang pakikiisa sa kapayapaan at bukluran ng mamamayan sa Basilan sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw, pananampalataya at tradisyong kinagisnan.

“We condemn this disgraceful act and we implore those who are in power to ensure that something similar will not happen again in the future,” bahagi ng pahayag ng Claretian Missionaries.

Matatandaang Pebrero 17 nang matagpuan ang ilang imahe ng mga santo at Mahal na Birhen na putol ang ilang bahagi ng katawan sa San Isidro Labrador chapel sa Sta. Clara, Lamitan City at San Antonio De Padua chapel sa Little Cebu, Barangay Maganda, sa parehong lunsod.

Ikinalungkot ng mga Claretiano ang insidente lalo’t naganap ito sa Miyerkules ng Abo ang pagsisimula sa panahon ng kuwaresma at pakikiisa sa mga sakripisyo ng Panginoong Hesus kung saan ang mga imahe ay sagisag at paalala sa bawat mananampalataya sa kabanalan.

“The act of sacrilege leaves not only a mark of utter disrespect to faith, but also a blatant affront to the peace – loving Catholic believers in the Prelature,” dagdag pa nito.

Suportado ng kongregasyon ang panawagan ni Bishop Leo Dalmao sa mamamayan na manatiling kalmado sa kabila ng paglapastangan subalit paigtingin ang pagbabantay sa mga bahay dalanginan at patuloy na manalangin para sa kapayapaan ng lalawigan.

Aktibo ang mga Claretiano sa Basilan bilang mga misyonerong nangangalaga sa 30 porsyento ng mga Katoliko sa lugar.

Dalangin din nito ang pagkakaisa, at kapayapaan tungo sa kabutihan ng nakararami.

“We ardently pray for the end of this vicious act of hate even as we continue to implore for peace and respect, seeking the common good for all.”

Nanawagan naman ng patuloy na pagkakaisa ang Prelatura upang higit na matamasa ang kapayapaan sa lalawigan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 505 total reads

 505 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 2,683 total reads

 2,683 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 9,937 total reads

 9,937 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 47,317 total reads

 47,317 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 78,588 total reads

 78,588 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 155,497 total reads

 155,497 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 249,245 total reads

 249,245 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top