Caritas in Action ng Radio Veritas, bukas pusong pagtulong sa mga dukha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 678 total reads

Inihayag ng Commission on Laity ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mamamayan upang maibsan ang kahirapang dulot ng pandaigdigang krisis.

Kinilala rin ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon ang ‘Caritas in Action’ ang bagong lunsad na programa ng Radio Veritas 846 na tututok sa pagbibigay ng tulong sa nangangailangan sa pamayanan.

Paliwanag ng obispo na ang Caritas ay nangangahulugang ‘love in action’ na dapat palaganapin sa lipunan.

“Mabuti ang bagong programang ito upang mas makatulong na ma-connect ang mga nangangailangan ng tulong at mga pwedeng magbigay ng tulong; lalo ngayong tumatagal ito [coronavirus pandemic] lalong tumitindi ang kahirapan ng tao kaya dapat talagang mas buksan ang ating mga puso na makatulong,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Katuwang ng Radio Veritas ang Caritas Manila at iba pang grupo na nais maghatid ng tulong sa publiko.

Iginiit ng opisyal na ang pagtulong ay hindi lamang sa pamamagitan ng pinansyal kundi maging ang paglapit sa kapwa, pagbibigay aral o pagsasanay pang-kabuhayan upang maipakita na sa gitna ng kahirapan ay nagtutulungan ang mamamayan.

Tiniyak ni Bishop Pabillo na ang simbahan ay nakahandang lumingap sa nangangailangan ng tulong kasabay ng panawagan sa mananampalataya na magkaisa sa pagtugon sa pangangailangan ng kapwa na nahihirapan at labis naapektuhan ng pandemya.

“Magandang tanda na nakikita nila ang simbahan bilang pamilya kung saan kapag tayo ay nangangailangan lumalapit tayo sa ating pamilya at humihingi ng tulong; ipagpatuloy ninyo ang programa at sana patuloy tayong magtulungan sa isa’t-isa,” ani Bishop Pabillo.



Ang Caritas in Action ay pinangangasiwaan ni Rowel Garcia ang incharge ng disaster response unit ng Radio Veritas kasama ang social arm ng Archdiocese of Manila.

Mapakikinggan ang programa tuwing Lunes hanggang Biyernes, ala una hanggang alas dos ng hapon.

Maaring makipag-ugnayan sa himpilan sa 8925-7931 hanggang 39 para sa karagdagang detalye ukol sa nasabing programa.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 1,189 total reads

 1,189 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 52,879 total reads

 52,879 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 89,669 total reads

 89,669 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 122,325 total reads

 122,325 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 173,290 total reads

 173,290 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 234,916 total reads

 234,916 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top