Simbahan sa Archdiocese of Lipa, bubuksan sa mamamayan sa paglala ng sitwasyon ng bulkang Taal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 779 total views

Patuloy na nananawagan ng panalangin ang Arkidiyosesis ng Lipa hinggil sa pagtaas ng alert status ng Bulkang Taal sa Batangas mula alert level 1 sa alert level 2.

Ayon kay Lipa Archdiocesan Social Action Commission Director Fr. Jayson Siapco, bagamat nakataas ang alert level 2 ay hindi pa naman kinakailangang lumikas ang mga maaapektuhang residente ng lalawigan.

Pagbabahagi ng pari na nagsagawa na ang iba’t ibang lokal na pamahalaan sa lalawigan ng pagtukoy sa mga lugar na magiging ligtas na evacuation area sakaling lumala ang sitwasyon ng bulkan.

Inihayag ni Fr. Siapco na nagpaplano ang Arkidiyosesis na bubuksan ang mga simbahan at iba pang pasilidad para sa mga magsisilikas na residente.

“Because of COVID, hindi naman siya katulad dati na anytime pwede magpapakain lang tayo, we can accomodate them. But this time, we have to be careful also,” bahagi ng pahayag ni Fr. Siapco sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ng pari na kapag binuksan na ang mga simbahan upang maging evacuation center ay kanilang titiyakin ang patuloy na pagsunod sa health protocols upang makaiwas na mahawaan ng virus.

“For sure magbubukas tayo pero kailangan lang natin ilatag ang protocol. If ever na mag-evacuate ang mga tao, then we can openly and courageously open our churches and our institutions praticing health protocols,” ayon kay Fr. Siapco.

Maliban dito ay patuloy rin ang pagtulong ng Arkidiyosesis sa mga residenteng isang taon nang namamalagi sa mga evacuation centers magmula nang magligalig ang bulkan noong nakaraang taon.

Batay sa huling ulat ng PHIVOLCS, naitala ang Alert level 2 status na nangangahulugan ng pagtaas ng antas ng pagliligalig makaraang makapagtala ng 28 bilang ng pagyanig sa paligid ng bulkang Taal.

Ika-12 ng Enero, 2020 nang nagsimula ang phreatic eruption na tinatayang aabot ng 100-metro ang taas ng ibinugang abo ng bulkan na umabot sa mga karatig na lugar tulad ng Cavite, Laguna, Metro Manila at Bulacan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 65,417 total views

 65,417 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 109,025 total views

 109,024 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 191,980 total views

 191,979 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 204,161 total views

 204,160 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top