Katarungan, sigaw ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa “bloody Sunday” killings sa CALABARZON

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 602 total views

Mariing kinundina ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang panibagong serye ng karahasang naganap laban sa ilang labor leaders sa CALABARZON noong ika-7 ng Marso na tinaguriang “Bloody Sunday”.

Ayon kay Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Rouquel Ponte, hindi katanggap-tanggap ang sinapit ng mga pinuno ng iba’t- ibang grupo ng mga manggagawa sa sinasabing lehitimong operasyon ng mga pulis at sundalo kung saan 9 ang nasawi.

Kaugnay nito, nanawagan si Ponte sa mamamayan na magkaisa sa pananawagan ng katarungan para sa sinapit ng mga labor leaders na hindi na nagkaroon ng pagkakataon na maipagtanggol ang sarili sa harapan ng hukuman.

“The Sangguniang Laiko ng Pilipinas strongly condemns the killing of 9 labor leaders in the Calabarzon region last Sunday, March 7, 2021. The blood of these fellow Filipinos are literally crying for justice as they are wiped-off from the floor tiles of their homes. We call on our people to continue to stand for due process and the rights of all for a fair and just trial.”pahayag ni Ponte.

Umaapela rin si Ponte sa mga mambabatas at mga hukom na bigyang katarungan ang sinapit ng mga biktima at higit na pairalin ang batas na dapat na magsilbing gabay para sa mapayapa at maayos na pamumuhay ng bawat isa sa lipunan.

“We call on peace-loving Filipinos to make strong statements of condemnation against these brutal and organized atrocities. We call on our lawmakers and magistrates to do justice and show to the world that we are still ruled by laws and not by men.” Dagdag pa ni Ponte.

Naunang kinundena ng Caritas Philippines ang “bloody Sunday” killings sa CALABARZON.

Read: https://www.veritas846.ph/bloody-sunday-assualt-kinondena-ng-caritas-philippines/

Ika-pito ng Marso nang maglunsad ng operasyon ang mga pulis at sundalo laban sa mga pinaghihinalaang kasapi ng rebeldeng grupo sa CALABARZON Region na ikinasawi ng 9 na labor leaders.

Nanindigan naman si Lt. General Antonio Parlade ng Anti-Rebel Task Force na lehitimo ang operasyon na bahagi ng programang wakasan ang rebelyon sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 67,734 total views

 67,733 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 111,341 total views

 111,341 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 194,224 total views

 194,224 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 206,233 total views

 206,233 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top