Foam party sa Bohol, itinuring ng Diocese of Tagbilaran na hindi makatao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 848 total reads

Mariing kinundena ng Diyosesis ng Tagbilaran ang pagturing sa mga kababaihan bilang isang bagay sa halip na taong bigyan ng dignidad.

Ito ang pagninilay ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa kontrobersyal na ‘foam party’ na naganap sa isang pribadong resort sa Panglao, Bohol.

Ayon sa Obispo, hindi makatarungan ang paggamit sa kababaihan na nagbibigay lamang ng aliw sa publiko.

“Doing a foam party with topless women as entertainers is wrong because here women are treated as objects, no longer as subjects or as fellow human beings,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Uy.

Ika-5 ng Marso nang maganap ang foam party sa Amanzara Resort kung saan kumakalat ang video footage ng isang babae na walang saplot pang-itaas.

Nagsagawa na ng imbestigasyon ang lokal na pamahalaan ng Panglao sa insidente lalo’t makikita sa video ang siksikan ng mga tao sa resort at hindi nasunod ang safety health protocol na physical distancing at pagsusuot ng face mask at face shield.

Pinagpaliwanag ng L-G-U ang pamunuan ng resort na maaring maharap sa parusa dahil sa paglabag sa ordinansa hinggil sa safety protocol.

Iginiit ni Bishop Uy na hindi makatao ang naturang insidente na tila pambabastos sektor ng kababaihan habang ginugunita ang Womens Month.

“And to do such thing during a time when we are celebrating International Women’s Month, when we are supposed to honor our mothers, sisters, aunties, and nieces, makes it more inhuman, unchristian and reprehensible,” dagdag pa ni Bishop Uy.

Unang sinabi ni Borongan Bishop Crispin Varquez ng Episcopal Office on Women ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na dapat igalang, bigyang dignidad at palakasin ang sektor ng kababaihan at hindi ituring na isang bagay lamang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 105,473 total reads

 105,473 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 243,751 total reads

 243,751 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 359,528 total reads

 359,528 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 475,655 total reads

 475,655 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top