Wakasan na ang pang-aabuso sa kababaihan!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,615 total reads

Ang pang-aabuso sa mga kababaihan sa buong mundo ang isang uri ng pandemya na dapat mawakasan.

Ito ang panawagan ni Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa paggunita ng International Women’s Month ngayong buwan ng Marso.

Ayon sa Obispo, bilang isang bansa na kilala sa pagiging mapagmahal, magalang at maka-Diyos ay mahalagang maipamalas sa lahat ng sektor ang pagpapahalaga sa mga kababaihan tulad ng panawagan ng Santo Papa Francisco.

Sinabi ni Bishop Bagaforo na mahalagang magsimula sa tahanan ang pagbibigay halaga sa mga kababaihan sa pamamagitan ng pagkilala sa kanilang presensya at mahalagang ambag sa lipunan at buhay ng bawat isa.

“As a nation we have always branded ourselves to be malambing, mapagmahal, at marespeto we have to live up to such identity. Pope Francis said ‘honor the dignity of women for a better world’. As we publicly celebrate again this year the triumphs, gains and milestones of Filipinas and all women in the world, may we show them respect, thoughtfulness and importance in the privacy of our homes, when it is only up to us to recognize and value their presence, their contribution and their being.”mensahe ni Bishop Bagaforo.

Batay sa tala ng United Nations Population Fund, tumaas ng 20-porsyento ang naitalang domestic violence sa mga kababaihan sa buong daigdig.

Samantala sa datos naman ng Philippine Statistics Authority, isa sa bawat apat na kasal na Filipina ang nakaranas ng pang-aabuso o karahasan isang beses sa kanilang buhay.

“Globally the United Nations Population Fund recorded a 20% increase in domestic violence. According to the Philippine Statistics Authority, 1 in every 4 married Filipina women have experienced violence at least once in their lives, this is the type of pandemic that must stop now.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Taong 1988 nang ideklara ang National Women’s Month sa Pilipinas habang idineklara naman ang ika-8 ng Marso bilang National Women’s Day sa pangunguna ng Philippine Commission on Women.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 1,921 total reads

 1,921 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 7,623 total reads

 7,623 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 45,380 total reads

 45,380 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 271,650 total reads

 271,650 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 165,116 total reads

 165,116 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 258,772 total reads

 258,772 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top