Diocese ng Novaliches at Cubao, nagpatupad ng lockdown sa mga simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 948 total reads

Nagdeklara ng lockdown ang Diocese of Novaliches na ipatutupad simula sa Lunes, ika-22 ng Marso 2021.

Ito ang inanunsyo ni Novaliches Bishop Roberto Gaa sa kanyang Healing Mass sa Radio Veritas kasunod ng pakikipagpulong sa alkalde ng Quezon City kaugnay sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 partikular na sa siyudad.

Ayon sa Obispo, nakalulungkot at nakababahala ang muling pagtaas ng kaso ng sakit sa bansa kaya’t mahalagang magkaisa ang lokal na pamahalaan at maging ang Simbahan upang mapigilan ang patuloy pang pagkalat nito.

Inihatag ni Bishop Gaa na simula sa ika-22 ng Marso ay pansamantalang ipagbabawal ang personal na pagdalo ng mananampalataya sa mga banal na misa o ang face-to-face mass sa lahat ng parokya sa diyosesis.

Muli namang paiigtingin ng diyosesis ang pagsasagawa ng mga online masses upang maiwasan ang pagkakalantad sa virus ng mananampalataya.

“Nag-usap po kami ni Mayor Joy [Belmonte of Quezon City] kasi nga po itong datos [rise on COVID-19 cases] po na ito ay talagang nakakatakot at nakakapanlumo at kung ganyan po yung datos kailangan din po ng drastic measure to avoid a sort of disaster. Kaya po sa Diocese of Novaliches ay simula po Lunes kami po ay magdideklara ng Lockdown, ibig sabihin po ay walang face-to-face na mga misa na. Nakakalungkot kasi babalik na naman po sa camera ang kausap namin pero kung ito naman po ay alang-alang sa buhay ng ating mamamayan ay gagawin po natin ito, patuloy pa din po ang mga online masses hindi po ititigil ang online masses.” bahagi ng anunsyo ni Bishop Gaa sa Radio Veritas.

Umaasa naman ang Obispo na maunawaan ng bawat isa ang kasalukuyang sitwasyon at patuloy na banta ng COVID-19 sa buhay.

Hinikayat rin ni Bishop Gaa ang lahat na patuloy na gawin maging sa loob ng tahanan ang safety health protocol upang maprotektahan ang pamilya mula sa sakit kung saan batay sa datos ay 48% sa naitatalang bagong kaso ng COVID-19 ay dulot ng hawaan sa loob ng tahanan o sa pamilya.

Pinayuhan ng Obispo ang bawat isa na mag ingat at sikaping maiwasang mahawa ng sakit.

“Ngayon po ay 48%, 48% ng lahat itong nasa 7,000 plus, 48% ay nanggagaling po sa infection ng household ibig sabihin sa bahay na po nangyayari yung mga infection, kailangan po mas mahigpit yung ating pagpapatupad sa bahay nitong mga ganitong protocol. Huwag po tayong umasa na sa labas lang, sa mga establisyemento lang natin gagawin ang mga ito [safety protocol] baka kailangan din nating gawin sa bahay, tayo ay magdisinfect, pag-uwi mo sa bahay hubarin mo ang lahat ng suot, maligo, maghugas ng kamay at dun palang magiging normal ang lahat kasi kung hindi po natin gagawin yun patuloy pong tataas yung 48% na yan. Wala po tayong aasahan kundi sarili lang natin, kaya sana lalo tayong magsikap at maging masinop itong kasalukuyang panahon.” Dagdag pa ni Bishop Gaa.

Samantala, pag-aaralan pa ng Diyosesis ng Novaliches na binubuo ng halos 70 mga parokya na nangangasiwa sa buhay espiritwal ng may halos 2-milyong mananampalataya ang muling pagbubukas sa mga Simbahan sa Linggo ng Muling Pagkabuhay.

Kaugnay nito, nagdeklara na din ng dalawang linggong lockdown ng Diocese of Cubao mula ika-22 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril upang higit na mahikayat ang mga mananampalataya na manatili sa kanilang mga tahanan bilang pag-iingat mula sa COVID-19 virus.

Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, bagamat mabigat sa dibdib ang muling pagsasara ng mga Simbahan lalo na sa gitna ng patuloy na paghahanda sa Semana Santa na isang mahalagang panahon para sa mga mananampalatayang Katoliko ay kinakailangan naman itong gawin para sa kapakanan ng mas nakararami.

“Voluntarily closing our places of worship at the highest point of our liturgical year is heartbreaking. But we also open our eyes to a situation that puts many of our faithful at risk. Numbers are surging and scientific data show that unless drastic interventions are done, these numbers will not decline anytime soon.” ang bahagi ng pahayag ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 52,410 total reads

 52,410 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 102,327 total reads

 102,327 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 222,906 total reads

 222,906 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 273,264 total reads

 273,264 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 398,359 total reads

 398,359 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top