Diocese of Bayombong, makikiisa sa Earth Hour 2021

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 764 total reads

Hinihikayat ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang mga mananampalataya na makibahagi sa gaganaping Earth Hour 2021 na magaganap sa ika-27 ng Marso.

Ayon kay Bishop Mangalinao, ang pagpapatay ng ilaw sa Earth Hour ay ang pagkakataon upang matulungan ang mundo na muling makapagpahinga mula sa iba’t-ibang pagsubok na dinagdagan pa ng krisis pangkalusugan at climate emergency.

“While we turn off all the lights, it is only by this darkness that the Earth will heal; and that is the time that we could be of help to the planet that we all want to take care of,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang Earth Hour ay hindi lamang isang beses sa isang taon ginagawa, kundi ito ay dapat palagiang isinasabuhay ng bawat isang naninirahan sa nag-iisang tahanang inihandog ng Diyo sa lahat.

“Kaya ang Earth Hour po ay hindi lamang minsanan, hindi lamang po isang araw o ilang araw. Bawat sandali ng ating buhay sa mundo [ay] kinakailangang bukas tayo sa pangangalaga sa tao, sa pamayanan, sa kalikasan. Itong ating tinatamasa ay regalo ng Diyos sa ating lahat,” paglilinaw ni Bishop Mangalinao.

Nanawagan naman ng Obispo sa mga mananampalataya na sundin ang panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco mula sa kanyang Laudato Si hinggil sa wastong pangangalaga at pagmamalasakit sa ating nag-iisang tahanan.

“Maging bukas po tayo sa panawagan ng ating mahal na Santo Papa na meron lang tayong iisang mundong ginagalawan na habang ating pinangangalagaan ay siguradong pangangalagaan din tayo. Subalit anumang pagkasira na gagawin natin dito [sa kalikasan] ay mas malaking pagkasira sa buhay nating lahat,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Hinihimok sa Laudato Si ni Pope Francis ang mga mananampalataya na pangalagaan ang sangnilikha upang hindi tayo maging biktima ng pinsalang dulot ng ating kapabayaan.

Umaapela din si Bishop Mangalinao sa mga pari at relihiyoso na maging halimbawa ng pangangalaga at pagmamalasakit sa ating nag-iisang tahanan.

Sinabi ng Obispo na malaki ang magagawa ng simbahan sa pangunguna sa pagpapaliwanag at maging mabuting halimbawa sa wastong pangangalaga sa inang kalikasan.

Tema ng Earth Hour 2021 ang #SpeakUpForNature.

Ipagdiriwang sa Marso 27 ang ika-14 na taon ng Earth Hour sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at mundo kung saan ganap na alas-8:30 hanggang 9:30 ng gabi ay gagawin ang pagpapatay ng mga ilaw at mga de-kuryenteng kagamitan.

Naunang nagpahayag ng pakikiisa ang Archdiocese of Manila at Diocese of Kalookan sa Earth Hour 2021.

Read: https://www.veritas846.ph/bigyan-ng-saglit-na-pahinga-ang-kalikasan-panawagan-ni-bishop-david/
https://www.veritas846.ph/bigyan-ng-saglit-na-pahinga-ang-kalikasan-panawagan-ni-bishop-david/

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 1,537 total reads

 1,537 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 3,612 total reads

 3,612 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 11,565 total reads

 11,565 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 48,943 total reads

 48,943 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 80,214 total reads

 80,214 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 157,010 total reads

 157,010 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 250,681 total reads

 250,681 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,226 total reads

 73,226 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top