Mamamayan, inaanyayahan sa Virtual Visita Iglesia in Laguna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 784 total reads

Magnilay, magsisi at patuloy na manalangin ngayong pandemya.

Ito ang paanyaya ng Diocese of San Pablo kaugnay sa kauna-unahang Virtual Visita Iglesia in Laguna na inilunsad sa paggunita ng Semana Santa sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.

Inilunsad ang Virtual Visita Iglesia sa Laguna – Daan ng Krus 2021 na handog ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna sa pamamagitan ng Laguna Tourism Culture Arts and Trade Office katuwang ang Diocese of San Pablo at ng Virtual Reality Travel para sa paggunita ng Semana Santa.

Ayon kay Diocese of San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, ang kauna-unahang Virtual Visita Iglesia in Laguna ay isang paraan upang ligtas na makiisa ang mananampalataya sa paghihirap at kamatayan ni Hesus sa pamamagitan ng Visita Iglesia at pakikilahok sa Station of the Cross sa kanilang mga tahanan.

“Inaanyayahan ko po kayo na makiisa sa lahat ng mga mananampalataya dito sa ating diyosesis at sa ibang mga lugar din, dadalaw sa iba’t ibang mga Simbahan dito sa Diyosesis ng San Pablo pupunta doon habang kayo ay nanunuod [ligtas sa virus mula sa mga tahanan], kayo ay nagdadasal, gumagawa ng Station of the Cross at naroon yung pakikiisa sa paghihirap at kamatayan ni Hesus.” paanyaya ni Bishop Famadico.

Naniniwala naman si Laguna Governor Ramil Hernandez na napapanahon ang kolaborasyon ng pamahalaang panlalawigan at ng Simbahan upang makabuluhang maipamalas at maisabuhay ang pananampalatayang Katoliko .

Hinimok ng gobernador ang mga mananampalataya na makiisa sa makabuluhang aktibidad upang magpasalamat sa Diyos sa patuloy niyang paggabay at pagprotekta sa atin.

Iginiit naman ng Laguna Tourism Culture Arts and Trade Office na pinangangasiwaan ni Ms. Regina Austria na natatangi ang inisyatibong ito upang maisakatuparan ang pagpapahayag ng pananampalataya ng mga Katoliko ngayong Semana Santa.

Ang Virtual Visita Iglesia ay isang natatanging programa kung saan maaaring makapaglibot ang mga mananampalataya sa iba’t-ibang Simbahan sa lalawigan ng Laguna sa isang makabago at ligtas na pamamaraan.

Tampok sa kauna-unahang Virtual Visita Iglesia in Laguna ang 30 parokya mula sa iba’t-ibang syudad at munisipalidad sa lalawigan ng Laguna na maaaring mapuntahan sa pamamagitan ng pagbisita sa Virtual.Reality.Travel website.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 53,114 total reads

 53,114 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 103,535 total reads

 103,535 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 224,115 total reads

 224,115 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 274,472 total reads

 274,472 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 399,515 total reads

 399,515 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top