Mass gatherings, pinapalinaw ng Obispo sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 752 total reads

Ipinaliwanag ng obispo na ang 10 percent capacity ng mga simbahan ay nakadepende sa pagpapatupad ng kura paroko at ng pastoral council batay sa sitwasyon ng kani-kanilang lugar.

“Hindi po ito defiant sa IATF kundi ito ay affirmation ng right to worship; dapat maintindihan ng tao na sa simbahan ay may principle of subsidiarity, ibig sabihin magbibigay tayo ng instruction at ang magtitingin kung paano maipatutupad ay ang mga lokal na simbahan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Iginiit ni Bishop Pabillo na hindi sinusuway ng arkidiyosesis ang I-A-T-F resolution 104 na nagbabawal ng mass gatherings.

Umaasa ang obispo na linawin ng pamahalaan ang kahulugan ng mass gatherings upang hindi magdulot ng kalituhan ang implementasyon nito sa pamayanan.

Sinabi pa ng obispo na hindi maituturing na mass gathering ang sampung porsyentong kapasidad sa mga simbahan sapagkat malalaki ang simbahan kung saan matiyak ang mahigpit na pagpapatupad ng physical distancing.

Nanindigan si Bishop Pabillo na hindi dapat ipatupad ang pagbabawal sa mga gawaing simbahan lalo ngayong semana santa ng walang pag-uusap at konsultasyon sapagkat magdudulot ito ng kalituhan.

Ipilinawag ng Obispo na mahalaga ang konsultasyon sa pagitan ng simbahan at pamahalaan upang maging malinaw ang ipapatupad na guidelines.

Iginiit ng Obispo na ang “Holy week” ay sentro ng pananampalatayang Katoliko na nararapat gunitain.

Sa Germany, tutol din ang kalipunan ng mga obispo sa pagpapasara ng mga simbahan hanggang sa Easter Sunday dahil sa pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Bishop George Bätzing, pangulo ng German Catholic Bishops’ Conference na napatunayan na ng simbahan ang maingat na pagsasagawa ng gawain noong Disyembre kaya’t makakayanan din nitong maipatupad sa Linggo ng Muling Pagkabuhay.

 

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 51,146 total reads

 51,146 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,859 total reads

 147,859 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 192,128 total reads

 192,128 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 215,237 total reads

 215,237 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 288,108 total reads

 288,108 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top