“Be careful but not fearful”.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 628 total reads

Ito ang payo ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Obispo, bagamat higit na dapat na mag-ingat ang lahat sa muling pagkalat ng virus ay hindi naman dapat na mangibabaw ang takot sa bawat isa.

Ipinaliwanag ni Bishop Bacani na mahalaga ang pagkakaroon ng matatag na diwa at kalooban sa pagharap sa malawak na krisis na dulot na COVID-19 pandemic.

Sinabi ng Obispo na kaakibat ng pagkakaroon ng matatag na kalooban ay ang pagkakaroon ng matatag na resistensya upang paglabanan ang anumang sakit tulad ng COVID-19 virus.

“Ang sabi natin sa ating panalangin diba Oratio Imperata, save us from our fears huwag din tayong matatakot naman, careful but not fearful yan ang sabihin mo. The people should be careful but not fearful because at this time we should keep our spirit up, because when our spirit are up, our immune system is strong that is one.” pahayag ni Bishop Bacani sa panayam sa Radio Veritas.

Binigyang diin naman ng Obispo ang kahalagahan ng patuloy na pagsunod ng bawat isa sa ipinatutupad na mga safety health protocol bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng nakahahawa at nakamamatay na sakit.

Iginiit ni Bishop Bacani na hindi dapat maging kampante ang bawat isa.

“Ang mga tao sana patuloy lang ang pag-iingat same pag-iingat face mask, social distancing, washing of hands, mababawasan yan huwag lang masyadong careless na pupunta sa mga mall kaysa sa Simbahan. Dapat lang maging sa Simbahan, maging sa kahit saan yung protocol [ay dapat sinusunod] lang yan.” dagdag pa ni Bishop Bacani.

Samantala, kabilang sa mga tinukoy ng Obispo na paraan ng pagpapatatag sa kalooban ay ang pagkakaroon ng matatag na pananampalataya sa kaloob at plano ng Panginoon para sa bawat isa.

Batay sa datos ng Department of Health, umaabot na sa halos 680,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan muling naitala ang mabilis na pagtaas ng kaso ng sakit noong ikalawang linggo ng Marso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 414 total reads

 414 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 37,798 total reads

 37,798 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 69,069 total reads

 69,069 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 146,620 total reads

 146,620 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 240,831 total reads

 240,831 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 22,840 total reads

 22,840 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top