Kaisa ng sangkatauhan si Maria sa nararanasang Covid 19 pandemic-Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 674 total reads

Inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na kasama ng bawat isa ang Mahal na Birheng Maria sa paglalakbay sa gitna ng naranasang krisis dulot ng coronavirus pandemic.

Sa mensahe ng Santo Papa sa lingguhang general audience sa bisperas ng Dakilang Kapistahan ng Pagpapahayag ng Magandang Balita Tungkol sa Panginoon binigyang diin nito na hindi pinabayaan ng Mahal na Ina ang mga naghihirap at nahawaan ng COVID-19.

“Mary was and is present in these days of the pandemic, near to the people who, unfortunately, have concluded their earthly journey all alone, without the comfort of or the closeness of their loved ones. Mary is always there next to us, with her maternal tenderness,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Nilinaw ng Santo Papa na si Hesus lamang ang bukod tanging tagapamagitan ng sangkatauhan sa Diyos Ama taliwas sa alegasyon ng ibang pananampalataya na sinasabing si Maria ang tagapamagitan.

Ipinaliwanag ng pinunong pastol ng simbahan na ang gawain ni Maria ay gumagabay sa bawat isa tungo kay Hesus na siyang daan sa kabanalan.

Tiniyak ni Pope Francis na bilang Ina ng sanlibutan ay hindi iniiwan ni Maria ang mga nararatay sa karamdaman at ang lahat ng mga nabibigatan at pinanghihinaan.

“Mary is always present at the bedside of her children when they depart this world. If someone is alone and abandoned, she is Mother, she is there, near, as she was next to her Son when everyone else abandoned him,” dagdag pa ni Pope Francis.

Sa halos 130 milyong nahawaaan ng COVID-19 2.7 milyon dito ang nasawi kung saan hindi nakita ng kanilang pamilya dahil sa kautusang sagarang cremation upang maiwasang kumalat ang sakit.

Hinikayat ng Santo Papa ang bawat isa na hingin ang tulong ng Mahal na Birhen at tularan ang kanyang halimbawa sapagkat si Maria ang kauna-unahang tumugon sa tawag ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 48,966 total reads

 48,966 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 145,806 total reads

 145,806 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 190,075 total reads

 190,075 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 213,184 total reads

 213,184 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 286,199 total reads

 286,199 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top