Mamamayan, inaanyayahan ng Radio Veritas na makiisa sa programang “Banal na Oras” para sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 725 total reads

Inaanyayahan ng Radio Veritas ang mga Kapanalig na makiisa sa programang “Ang Banal na Oras” bilang pakikiisa sa paggunita sa Earth Hour ngayong taon

Ito’y sa pakikipagtulungan ng World Wildlife Fund for Nature – Philippines at Association of Major Religious Superiors in the Philippines na isasagawa mamayang alas-8 hanggang alas-10 ng gabi.

Tema ngayong taon ang #SpeakUpForNature na hinihikayat ang lahat na kumilos upang muling mabuo ang lipunang mag-aakay tungo sa ekonomiyang uunahin ang kapakanan ng kalikasan.

Binibigyang-diin dito na dapat ipahayag at ipagtanggol ng bawat isa ang kalikasan upang makita at marinig ng iba’t ibang pinuno ng mga bansa ang nais ipaglaban ng mamamayan para sa karapatan ng ating nag-iisang tahanan.

Tatalakayin sa programa ang mga suliraning patuloy na hinaharap ng bansa dahil sa walang tigil na pagsira sa kalikasan at ang kasalukuyang epekto ng nakamamatay na coronavirus disease.

Samantala, magsisilbi namang host ng programa ng himpilan si Fr. Angel Cortez, OFM, ang co-executive secretary ng AMRSP.

Kabilang sa mga magiging tagapagsalita sina Manila Apostolic Administrator Most Rev. Broderick Pabillo; NASSA/Caritas Philippines Communications and Partnerships Development Coordinator Ms. Jing Rey Henderson; at ang National Director ng WWF-Philippines na si Atty. Angela Ibay.

Isasagawa rin sa programa ang tradisyonal na pagpapatay ng mga ilaw sa loob ng isang oras, simula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi at sasabayan ng sama-samang pagdarasal ng Santo Rosario kasama ang Consecrated Men and Women in the Philippines sa pangunguna ng Dominicas dela Anunciata mula sa Anunciata Community.

Mapapanood ang programa sa Veritas846.ph facebook page at mapapakinggan sa DZRV 846 KHz AM.

Taong 2007 nang unang isagawa ang programa sa Sydney, Australia, at 2008 nang ilunsad naman ito sa Pilipinas.

Hinihikayat naman ng WWF-Philippines ang mga Filipino na makiisa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga online content at gamitin ang mga hashtag na #EarthHour2021, #Connect2Earth at #SpeakUpForNature.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 43,461 total reads

 43,461 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 140,797 total reads

 140,797 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 185,066 total reads

 185,066 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 208,175 total reads

 208,175 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 281,422 total reads

 281,422 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 145,468 total reads

 145,468 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top