Council of the Laity, nagpahayag ng suporta kay Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 888 total reads

Nagpahayag ng suporta ang Council of the Laity ng Archdiocese of Manila sa panawagan ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na pagkikipag-ugnayan ng pamahalaan sa Simbahan sa pagsasagawa ng plano na may kaugnayan sa mga gawaing pansimbahan.

Sa opisyal na pahayag ng Archdiocesan Commission on Lay Formation of the Laity and Christian Communities na pinangangasiwaan ni Rev. Fr. Rufino Sescon, Jr. ay binigyang diin ng mga layko sa arkidiyosesis na dapat na maunawaan ng pamahalaan na isang mahalagang bahagi ng pananampalatayang Katoliko ang paggunita ng Semana Santa.

“We support our Archdiocesan Apostolic Administrator, His Excellency, Bishop Broderick Pabillo’s discernment on his pastoral instruction “We Worship The Lord”, especially the reminder to follow the principle of subsidiarity to let parish priest, in consultation with lay leaders, to decide on matters of religious activities to celebrate this special occasion, with an ensured strict compliance to existing health protocols at all times.”pahayag ng Council of the Laity ng Archdiocese of Manila.

Ayon sa Council of the Laity ng Archdiocese of Manila, bagamat kaisa ng pamahalaan ang buong Simbahan sa pagnanais na mawakasan na ang pagkalat ng COVID-19 virus ay dapat ding ikunsedera ang posisyon ng Simbahan kung paano higit na maiaakma ang panuntunang ito sa pagpapamalas ng pananampalataya. Binigyang diin rin ng samahan ng mga layko ng Arkidiyosesis ng Maynila na higit na mahalaga ang paggunita ng Semana Santa ngayong taon dahil ginugunita ng Simbahang Katolika sa bansa ang ika-500 taon ng pagdating ng pananampalatang Kristiyano.

“While we understand the urgency of decision making in times of crisis, we respectfully request our government officials to consult and listen to stakeholders who would be affected by decisions prior to implementation.

We take as an example the Catholic church’s observance of Holy Week, especially the Holy Triduum of Holy Thursday, Good Friday, Easter Vigil and Easter Sunday.

This is the most important celebration in Christianity, made even more significant this year by the national commemoration of 500 Years of Christianity in our land.”paglilinaw ng samahan Ang Council of the Laity ng Archdiocese of Manila ay binubuo ng mga lay leaders ng 86 na parokya at mga komunidad na nasasakupan ng arkidiyosesis mula sa mga siyudad ng Maynila, Makati, Pasay, San Juan at Mandaluyong.

Kaugnay nito, matapos ang hindi pagkakasundo ay pinayagan na rin ng Inter Agency Task Force ang pagsasagawa ng religious gatherings na sampung porsiyento ng kapasidad ng simbahan ang maaring dumalo. Ipapatupad ang bagong panuntunan ng I-A-T-F mula a-uno hanggang ika-4 ng Abril, 2021.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 55,583 total reads

 55,583 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 107,455 total reads

 107,455 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 228,035 total reads

 228,035 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 278,392 total reads

 278,392 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 403,246 total reads

 403,246 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top