Pagpahayag ng pananampalataya, hindi mapipigilan ng lockdown

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 682 total reads

Hindi mapipigilan ng malawak na epekto ng pandemya ang pagpapahayag ng pananampalataya sa Panginoon ng mga Katoliko lalo na ngayong Semana Santa.

Ito ang binigyang diin ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa muling pagsailalim sa Enhanced Community Quarantine ng mga syudad sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal mula ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril na nataon pa sa paggunita sa Semana Santa mula Lunes Santo hanggang sa Linggo ng Muling Pagkabuhay.

Ayon sa Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, nakalulungkot na sa pangalawang pagkakataon ay muling gugunitain ang Mahal na Araw ng wala ang presensya ng mga mananampalataya sa mga gawaing pansimbahan dahil sa muling pagpapatupad ng ECQ.

Bagamat nanghihinayang ay binigyang diin ni Bishop Pabillo sa kanyang Healing Mass sa Veritas para sa Linggo ng Palaspas na sa halip na magpadala sa lungkot ay mas higit na dapat na planuhin ng bawat isa kung paano higit na makakapagpahayag ng pananampalataya at masasamahan si Hesus sa pinakamahalagang bahagi ng kanyang buhay bilang pagtupad sa pangakong kaligtasan ng Panginoon sa sangkatauhan.

“With our celebration this Sunday we open the Holy Week. Nakakalungkot na ngayong taon, tulad ng last year, kakaiba pa rin ang pagdiriwang natin ng Semana Santa dahil sa pandemia. But the covid virus cannot prevent us from getting in touch with the Lord in a deeper way and in worshipping him these days. Kaya sa halip na malungkot lang, mas planuhin natin kung paano tayo makalapit sa Panginoon sa mga araw na ito kahit na we are limited by the lockdown.” pahayag ni Bishop Pabillo sa kanyang misa para sa Linggo ng Palaspas sa Radio Veritas Chapel.

Naniniwala naman ang Obispo na bagamat marami ang negatibong maaapektuhan ng muling implementasyon ng ECQ ay isa ring itong pagkakataon sa lahat upang higit na makapagnilay at mapalalim ang pananampalataya.

“The lockdown can help us build up our convictions. Kaya nga sabi ni San Pablo: All things work out for the good, for those who love God. Kahit na ang Semana Santa sa panahon ng lockdown ay may kabutihan ding dinadala.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Sa ilalim ng muling pagpapatupad ng ECQ sa mga lugar na nasa NCR Plus Bubble mula ika-29 ng Marso hanggang ika-apat ng Abril ay hindi na muli pinahihintulutan ang pagsasagawa ng religious gatherings.

Muli ring ipinagbabawal ang paglabas ng mga matatanda, bata, nagdadalang tao at mga may karamdaman kung saan pinahaba rin ang implementasyon ng curfew mula alas-sais ng gabi hanggang alas-singko ng umaga.

Batay sa tala ng Department of Health umaabot na sa 712,443 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan nasa 118,122 ang kasalukuyang active cases.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 40,548 total reads

 40,548 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 138,092 total reads

 138,092 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 182,361 total reads

 182,361 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 205,470 total reads

 205,470 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 278,788 total reads

 278,788 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top