33-day spiritual preparations for the national consecration to St.Joseph, pinangunahan ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 607 total views

Pinangunahan ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang pagbabahagi ng pagninilay para sa pagsisimula ng 33-araw na espiritwal na paghahanda sa pagtatalaga ng bansa kay San Jose.

Ayon sa Sangguniang Laiko ng Pilipinas, layunin ng 33 day spiritual preparation for the National Day of Consecration to St. Joseph na higit na makilala ng mananampalataya si San Jose bilang huwaran sa pagiging isang mabuting asawa kay Maria at ama kay Hesus.

Ipinaliwanag ni Sangguniang Laiko ng Pilipinas National President Bro. Rouquel Ponte na mahalagang higit na maipalaganap ang debosyon kay San Jose na isang mabuting halimbawa lalo na sa mga kalalakihan sa lipunan.

“Sana sa ating paghahanda sa ating 33 day spiritual preparation ay magkaroon po tayo ng grasya ng Panginoon na maging tapat doon sa ating tungkulin at sana maipalaganap pa natin itong debosyon na ito [kay San Jose] at itong pagiging mabuting halimbawa ni San Jose para sa lahat ng lalaki at ama ng tahanan…” pahayag ni Ponte.

Nagsimula ang 33 day spiritual preparation for the National Day of Consecration to St. Joseph noong ika-30 ng Marso kung saan tampok ang iba’t ibang pagninilay sa araw-araw upang higit na pagpapalalim ng pagkilala at pananampalataya kay San Jose.

Nakatakda ang National Day of Consecration to Saint Joseph sa National Shrine of Saint Joseph sa Mandaue City, Cebu kasabay ng Kapistahan ni San Jose Manggagawa sa unang araw ng Mayo kung saan inaasahan rin ang paglulunsad ng Men of Saint Joseph ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity na itinalaga ng kalipunan ng mga Obispo upang pangasiwaan ang paggunita sa idineklarang Year of Saint Joseph ngayong taon.

Nakasaad sa Liham Apostoliko ng Kanyang Kabanalan Francisco na may titulong “Patris Corde” ang deklarasyon ng Santo Papa Francisco sa pagdiriwang ng Year of Saint Joseph mula Disyembre 8, 2020 hanggang Disyembre 8, 2021 bilang paggunita na rin sa ika-150 anibersaryo ng pagkakadeklara kay San Jose bilang Patron ng buong Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 60,928 total views

 60,928 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 185,339 total views

 185,339 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 227,283 total views

 227,283 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 304,235 total views

 304,235 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Community pantry, pinalawak ng CMSP

 4,103 total views

 4,103 total views Patuloy ang pagsusumikap ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa programa nitong “CMSP CARES,” na isang community pantry na

Read More »
Scroll to Top