797 total views
Ihahandog ng Radio Veritas 846 at Radyo Veritas PH ang on-air at online visita iglesia ngayong Huwebes Santo, Abril 1.
Pagbabahagi ni Veritas Radio Manager Riza Mendoza na tampok sa visita iglesia ang mga simbahan sa Mega Manila na kabilang sa mga itinalagang pilgrim churches sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity.
Ito ang hakbang ng Radyo ng Simbahan upang mabigyang pagkakataon ang mananampalataya na makapagsagawa ng visita iglesia sa kabila ng mga limitasyong dulot ng coronavirus pandemic.
Matatandaang isinailalim sa enhanced community quarantine ang National Capital Region, Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite o tinatawag na NCR Plus Bubble.
Sa panuntunan ng ECQ mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaan ang mass gatherings kabilang na ang mga gawaing simbahan at pinagbabawalan ring lumabas ang mga non essential workers.
Bukod tanging pinapayagan ang mga Authorized Person Outside Residence o APOR ang mga essential worker tulad ng mga medical at service frontliners o ang mga kinakailangang bumili ng pagkain at gamot.
Sabayang mapapakinggan at mapapanood sa Veritas 846 at Radyo Veritas PH ang visita iglesia mula alas 7 hanggang alas 10 ng gabi.
Narito ang mga tampok na simbahan sa visita iglesia:
1. Sto. Niño de Tondo – Archdiocese of Manila
2. Diocesan Shrine of SAint John Paul II – Diocese of Balanga, Bataan
3. Nuestra Señora del Carmen Parish (Barasoain Church) – Diocese of Malolos, Bulacan
4. Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar (Imus Cathedral) – Diocese of Imus, Cavite
5. National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage (Antipolo Cathedral) – Diocese of Antipolo, Rizal
6. St. Peter Parish; Shrine of Leaders – Diocese of Novaliches
7. National Shrine of Our Lady of Lourdes – Diocese of Cubao