Vice-President Robredo, nakikiisa sa paggunita ng Holy week

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 667 total reads

Nagpahayag ng pakikibahagi sa paggunita ng Semana Santa ng mga Katoliko at Simbahang Katolika si Vice President Leni Robredo.

Sa mensahe ng Pangalawang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang video message ay ibinahagi nito ang kahalagahan ng pananampalataya na mapagkukunan ng pag-asa sa kinahaharap na krisis ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Robredo, ang paggunita sa Mahal na Araw ay isang napapanahong paalala sa pag-asa at pangakong kaligtasang ng Panginoon sa bawat isa.

“Sa panahon ngayon ng krisis at pangamba, ng maraming banta sa ating kaligtasan at paraan ng pamumuhay para bang napakahirap makahanap ng mapagkukunan ng pag-asa. Pero pinapaalala sa atin ng mga Mahal na Araw na nakatahi mismo sa pagkatao natin ang pag-asa.” ayon kay Vice President Leni Robredo.

Umaasa naman si Robredo na maging makabuluhan ang paggunita ng bawat isa ng Mahal na Araw sa kabila ng muling pagpapatupad ng Enhance Community Quarantine sa tinaguriang NCR Plus Bubble na binubuo ng mga syudad mula sa National Capital Region, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.

Ipinaliwanag ni Robredo na isang pagkakataon din ito upang makapagpahinga at makapagnilay mula sa mga kaguluhan at kawalan ng katiyakan ngayong panahon ng pandemya.

Inihayag ng Bise Presidente na dapat ring ituring na isang hamon ang pagharap sa krisis na dulot ng COVID-19 upang higit pang lawakan ng bawat isa ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa kapwa gayundin ang pagbabahagi ng mga naaangkop na impormasyon at pagbabantay sa epektibong pamamalakad ng pamahalaan.

“In this time of pandemic, love means doing everything we can to protect the person next to us from infection. It means spreading correct information about the virus and the vaccines. It means calling for effective pandemic governance. It means helping those in need, and orienting our thoughts actions towards the other. It means that the truth that binds us all is upheld.” Dagdag pa ni Robredo.

Sa pangalawang pagkakataon mula ng lumaganap ang COVID-19 noong nakalipas na taon ay muling isinailalim ng pamahalaan ang malaking bahagi ng bansa sa lockdown na muling nataon sa paggunita ng Simbahang Katolika sa Semana Santa.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 5,846 total reads

 5,846 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 7,545 total reads

 7,545 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 17,653 total reads

 17,653 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 55,031 total reads

 55,031 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 86,301 total reads

 86,301 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 162,692 total reads

 162,692 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 256,054 total reads

 256,054 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,584 total reads

 24,584 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top