Tulungan ang 9.1 milyong Filipino na walang trabaho, panawagan ng Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 790 total views

Hinimok ng Commission on the Laity ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na paigtingin ang kawanggawa lalo ngayong umiral ang pandemya kung saan 9.1-milyong Filipino ang nawalan ng trabaho.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon, mahalagang magtulungan ang buong pamayanan upang maibsan ang hirap na dinaranas ng mamamayang naapektuhan ng pandemya.

“Hinikayat ko po ang lahat na magbigay ng tulong sa mga mahihirap, sa mga nangangailangan lalo ngayong panahon ng pandemic at nasa ECQ tayo maraming lockdown maraming hindi nakapagtrabaho sa pang-araw araw na pangangailangan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (P-S-A) 9.1 milyong Filipino ang nawalan ng trabaho mula Marso 2020 hanggang Pebrero 2021 bunsod ng pagsasara ng mga negosyo dahil sa pagkalugi at epekto ng pandemya.

Paliwanag ni Bishop Pabillo ang Huwebes Santo ang tinaguriang ‘charity day’ sapagkat sa huling hapunan habilin ni Hesus sa kanyang mga alagad ang ipalaganap ang pag-ibig sa kapwa sa pamamagitan ng paglilingkod at paglingap sa nangangailangan.

“Utos ng Panginoong Hesukristo na magmahalan tayo at maglingkod sa isa’t isa,“ani Bishop Pabillo.

Una nang sinabi ng obispo na mamahagi ng tulong ang mga parokya ng Arkidiyosesis ng Maynila sa mahihirap na komunidad ngayong Huwebes Santo, Abril 1.

Gagamitin dito ang nalikom na pondo sa espesyal na koleksyon ng Alay Kapwa na ipinatupad sa mga simbahan mula noong kuwaresma.

Umaasa ang obispo na bukas ang kalooban at nakahanda ang bawat isa na lingapin ang nangangailangan upang mabigyang pagkakataon na maibsan ang hirap na naranasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 111,716 total views

 111,716 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 141,938 total views

 141,938 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 168,586 total views

 168,586 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 263,559 total views

 263,559 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 277,340 total views

 277,340 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top