Vice-President Robredo, nakikiisa sa paggunita ng Holy week

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 802 total reads

Nagpahayag ng pakikibahagi sa paggunita ng Semana Santa ng mga Katoliko at Simbahang Katolika si Vice President Leni Robredo.

Sa mensahe ng Pangalawang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang video message ay ibinahagi nito ang kahalagahan ng pananampalataya na mapagkukunan ng pag-asa sa kinahaharap na krisis ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Robredo, ang paggunita sa Mahal na Araw ay isang napapanahong paalala sa pag-asa at pangakong kaligtasang ng Panginoon sa bawat isa.

“Sa panahon ngayon ng krisis at pangamba, ng maraming banta sa ating kaligtasan at paraan ng pamumuhay para bang napakahirap makahanap ng mapagkukunan ng pag-asa. Pero pinapaalala sa atin ng mga Mahal na Araw na nakatahi mismo sa pagkatao natin ang pag-asa.” ayon kay Vice President Leni Robredo.

Umaasa naman si Robredo na maging makabuluhan ang paggunita ng bawat isa ng Mahal na Araw sa kabila ng muling pagpapatupad ng Enhance Community Quarantine sa tinaguriang NCR Plus Bubble na binubuo ng mga syudad mula sa National Capital Region, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.

Ipinaliwanag ni Robredo na isang pagkakataon din ito upang makapagpahinga at makapagnilay mula sa mga kaguluhan at kawalan ng katiyakan ngayong panahon ng pandemya.

Inihayag ng Bise Presidente na dapat ring ituring na isang hamon ang pagharap sa krisis na dulot ng COVID-19 upang higit pang lawakan ng bawat isa ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa kapwa gayundin ang pagbabahagi ng mga naaangkop na impormasyon at pagbabantay sa epektibong pamamalakad ng pamahalaan.

“In this time of pandemic, love means doing everything we can to protect the person next to us from infection. It means spreading correct information about the virus and the vaccines. It means calling for effective pandemic governance. It means helping those in need, and orienting our thoughts actions towards the other. It means that the truth that binds us all is upheld.” Dagdag pa ni Robredo.

Sa pangalawang pagkakataon mula ng lumaganap ang COVID-19 noong nakalipas na taon ay muling isinailalim ng pamahalaan ang malaking bahagi ng bansa sa lockdown na muling nataon sa paggunita ng Simbahang Katolika sa Semana Santa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 98,193 total reads

 98,193 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 175,156 total reads

 175,156 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 208,604 total reads

 208,604 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 243,904 total reads

 243,904 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 466,657 total reads

 466,657 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top