Washing of feet, simbolo ng kababaang loob at paglilingkod sa kapwa.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 664 total reads

Ibinahagi ng tagapangasiwa ng Arkidiyosesis ng Maynila na ang paghuhugas ng paa ay pagpapakita ng kababaang loob at paglilingkod sa kapwa.

Sa pagninilay ni Bishop Broderick Pabillo sa Misa sa Huling Hapunan na ginanap sa Manila Cathedral nitong Huwebes Santo, Abril 1 sinabi nitong ang mahalagang tularan ang pagiging mapagkumbaba ni Hesus sa kabila ng pagiging makapangyarihan.

“Ang kapangyarihan ay ginamit niya [Hesus] hindi upang siya ay paglingkuran at pahalagahan kundi upang mag serve sa iba tulad ng pagsi-serve ng isang mababang alipin,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Bilang paggunita ngayong taon sa Year of Missio Ad Gentes at 500 Years of Christianity hinugasan ni Bishop Pabillo ang apat na indibidwal bilang kinatawan ng iba’t ibang sektor at pagkilala sa mga misyonerong nagpapalaganap ng kristiyanismo.

Kabilang sa mga hinugasan ay sina Fr. Geoffrey Eborda Jr., OSA na kumakatawan sa Agustinong kongregasyon ang unang misyonero na nagpalaganap ng mabuting balita sa bansa noong ika- 15 siglo.

Si Ruzzel Ramos naman na isang katekista mula sa St. John Bosco Parish, Tondo ang kumakatawan sa mga magulang, guro at iba pang indibidwal na nagtuturo ng pananampalataya sa mga susunod na henerasyon.

Si Romain Garry Lazaro naman na kawani ng Manila Cathedral ay kumakatawan sa mga misyonerong naglilingkod sa social media ministry na katuwang ng simbahan sa paghahatid ng mga gawaing simbahan sa mamamayan ngayong mahigpit na ipinagbawal ang mass religious gatherings.

Panghuli naman si Sr. Venus Marie Pegar, SFX mula sa Sisters of St. Francis Xavier na itinatag ni Bishop Alexandre Cardot ng Rangoon (Yangon) Myanmar bilang pakikiisa ng mga Pilipino sa dinaranas na karahasan at kaguluhan sa naturang bansa sa pakikibaka sa demokrasya.

Sa huli hinikayat ni Bishop Pabillo ang bawat mananampalataya na tularan si Hesus na nakahandang paglingkuran ang kapwa. “Si Hesus ay nag-alay ng sarili kaya dapat din tayong mag-alay ng ating sarili para sa ating kapwa,” ani Bishop Pabillo

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 96,462 total reads

 96,462 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 173,511 total reads

 173,511 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 206,959 total reads

 206,959 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 242,259 total reads

 242,259 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 465,061 total reads

 465,061 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top