Obispo, nanawagan ng suporta sa “Alay kalikasan”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 695 total views

Iniugnay ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang paggunita ng Semana Santa sa adbokasiya ng Earth Hour hinggil sa pangangalaga sa inang kalikasan.

Ayon kay Bishop Presto na kasabay ng paggunita sa paghihirap ng Panginoon ay mahalaga ring pagnilayan at isabuhay ang mga gawaing isinusulong ng Earth Hour tulad ng pagtitipid ng kuryente at tubig na malaki ang maitutulong sa pagpapanatili ng likas na yaman.

“Ngayong Holy week, napakahalagang balikan natin ‘yung ilang practices na sinasabi sa Earth Hour. Doon ay makikita natin yung pagtitipid sa paggamit ng kuryente at wastong paggamit din ng tubig kasi kapwa ‘yan ay may kinalaman sa kalikasan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Presto sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ng Obispo na malaki ang maitutulong nito para sa kalikasan na maituturing ding sakripisyo upang mailigtas ito sa tuluyang pagkasira bunsod ng walang tigil na pagsasamantala at pang-aabuso ng mga tao.

“Malaki ang maitutulong nito sa kalikasan. It’s a form of sacrifice nga kasi, sabi ko nga, a little practice, a little habit ng wastong paggamit at pagtitipid ng elektrisidad at tubig, maghahatid ‘yun ng magandang contribution sa ating kalikasan,” ayon sa Obispo.

Hinihikayat naman ni Bishop Presto ang bawat mananampalataya na ipanalangin ang mga nasa kapangyarihan upang makapagsulong ng mga panukalang makatutulong upang malunasan ang epektong dala ng climate change.

Gayundin ang ecological conversion upang ang lahat ay maging mabuting katiwala ng likas na yamang handog ng Diyos para sa sangkatauhan.

Samantala, nais ding isulong ng Obispo ang Alay Kalikasan na layong maglaan ng tulong para sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan.



Ayon kay Bishop Presto, tulad ng Alay Kapwa na matagal nang isinusulong ng simbahan para sa pagtulong sa mga higit na nangangailangan, nawa’y ang Alay Kalikasan ay maging daan din upang makapagbigay ng suporta para sa mga programang makatutulong sa pagpapanatili ng ating iisang tahanan.

“Iniisip ko maganda rin siguro kung mayroong Alay Kalikasan. Ito ‘yung pagsasakripisyo na nagbibigay din tayo ng ating mga natipid para naman makatulong din tayo sa mga proyekto para sa pangangalaga sa ating inang kalikasan,” ayon kay Bishop Presto.

Nasasaad sa Laudato Si ni Pope Francis na hindi maaaring ihiwalay ang ating relasyon sa kalikasan sa ating pakikipagugnayan sa kapwa at sa Diyos, dahil mawawalan ito ng saysay at maituturing na pagkukunwari o pagpapakitang tao lamang.

Nakasaad sa Laudato Si ni Pope Francis na lahat tayo ay maaaring makibahagi at maging instrumento ng Panginoon sa pagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan batay sa ating sariling kultura, karanasan, at talento.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 114,219 total views

 114,219 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 144,441 total views

 144,441 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 171,089 total views

 171,089 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 266,062 total views

 266,062 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 279,709 total views

 279,709 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top