Pagtatag ng Health Care Ministry sa lahat ng parokya sa Diocese of Kalookan, ipinag-utos ni Bishop David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,048 total reads

Ibinahagi ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang pagbubuo ng health care ministry ng lahat ng mga parokya sa diyosesis na tugon sa COVID-19 pandemic.

Sa online launching ng St. Camilus Center for Humanization in Health, inihayag ng Obispo na kaakibat ng pagbubuo ng health care ministry sa bawat parokya sa Diyosesis ng Kalookan ay pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan at mga barangay upang ganap na matugunan ang pangangailangan lalo na ng mga nagpositibo sa COVID-19.

“I asked them to put up a health care ministry in every parish in the context of the COVID-19 pandemic. I encourage them to enlist and organize volunteers, to use digital technology, to partner with the LGUs and the barangay health emergency response teams to reach out to people who are COVID-19 positive, whether symptomatic or asymptomatic, those quarantined at home and those in the quarantine facilities…” pahayag ni Bishop David.

Ayon sa Obispo, bahagi rin ng health care ministry ng bawat parokya ay ang pagsasanay sa online monitoring ng mga volunteers upang sa pamamagitan ng makabago at ligtas na pamamaraan ay matulungan pa rin ang mga may sakit sa gabay na rin ng mga eksperto.

Bukod sa online monitoring sa mga nararamdamang sintomas ng mga may sakit ay layunin din nito na patuloy na maipadama sa may karamdaman ang pag-aaruga ng kapwa hindi lamang sa usaping pangpisikal at pangsikolohikal kundi maging pang-espiritwal.

Ibinahagi rin ni Bishop David ang pakikipagtulungan ng diyosesis sa lokal na pamahalaan upang higit na maging epektibo ang pagtugon sa pangangailangan ng lahat ngayong panahon ng pandemya.

“All of these we did in partnership we have been doing and still doing in partnership with the LGU COVID Command Centers and the Barangay Health Emergency Response Teams in order to reach them physically in a safe way. We sent some little packages enclose with some medicines and vitamins and with attached stampitas, rosaries of anything that can make them feel that they are cared for not just spiritually but also physically, psychologically and emotionally…” Dagdag pa ni Bishop David.

Samantala, nagpahayag din ng suporta at papuri ang Obispo sa inilunsad na St. Camillus Center for Humanization in Health ng The Order of the Ministers of the Infirm (Camillians)-Philippine Province.

Sinabi ni Bishop David na isang napapanahong hakbang ang ginawa ng Camillians lalo na sa gitna ng panahon ng pandemya kung saan marami ang nangangailangan ng atensyong medikal at makataong pagtugon lalo na sa health care system.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 33,433 total reads

 33,433 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 131,379 total reads

 131,379 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 175,648 total reads

 175,648 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 198,757 total reads

 198,757 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 272,333 total reads

 272,333 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top