Pahalagahan ang pananampalatayang tinanggap, hamon ng Arsobispo ng Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 709 total views

Pinaalalahanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mananampalataya na pahalagahan ang biyaya ng pananampalatayang tinanggap ng bawat isa.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng arsobispo sa pagsisimula ng triduum celebrations para sa pagdiriwang ng unang binyag sa bansa na naganap 500 taon ang nakalipas.

Ipinaliwanag ni Archbishop Palma na ang bawat pagbibinyag ay magsilbing paalala sa bawat kristiyano ng pagtanggap sa dakilang habag, awa at pag-ibig ng Panginoon.

“Because of God’s love and mercy we receive the blessing of a new life; and so we are reminded to treasure this gift,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Palma.

Abril 11 kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Divine Mercy ay isinagawa ng arkidiyosesis ang pagbibinyag sa 100 sanggol bilang hudyat ng pagsisimula sa triduum celebrations.

Ito ay ginanap sa Archdiocesan Shrine of Our Lady of Guadalupe sa Cebu City.

Sinabi pa ni Archbishop Palma na bagamat sa kasalukuyan ay hindi pa maunawaan ng mga bininyagang sanggol, darating ang panahon na kanilang ipagpasalamat sa Diyos ang pagtanggap ng kaloob na kristiyanismo sa makasaysayang pagdiriwang ng ikalimang sentenaryo.

Nagagalak ang arsobispo kasabay ng paalala sa mga magulang na sa pagbibinyag ng kanilang mga anak ay magiging ganap na bahagi na ito ng sambayanan ng Diyos.

“They are your children. But the moment they are baptized, they become children of God – members of the Church, heirs of the kingdom of God. What a great privilege! All because of God’s mercy and love,” ani ng arsobispo.

Katuwang ni Archbishop Palma sa mass baptism si Cebu Archbishop Midyphil Billones at Palo Archbishop John Du kasama ang ilang pari ng arkidiyosesis.

Batay sa kasaysayan Abril 14, 1521 nang unang inihasik ng misyonerong Espanyol ang binhi ng pananampalataya sa lalawigan ng Cebu kung saan unang tumanggap sina Raja Humabon, Reyna Juana at iba pang kasamahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 110,346 total views

 110,346 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 140,568 total views

 140,568 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 167,216 total views

 167,216 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 262,189 total views

 262,189 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 276,058 total views

 276,058 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top