Bishop Santos, nagpabakuna laban sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 736 total reads

Ibinahagi ni Balanga Bishop Ruperto Santos na nagpabakuna ito kontra coronavirus disease.

Ayon sa obispo, ito ay nagpapatunay na suportado ng diyosesis ang kampanyang pagbabakuna upang malutas na ang suliranin ng pandemya.

“With my vaccination, the Diocese promotes vaccinations and encourages our lay faithful to do the same; To make ourselves safe is to save our people,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng obispo na ang hakbang ay para sa kapakanan ng nakararami at kaligtasang pangkalusugang ng mga nakakasalamuha lalo na sa pagganap ng mga sakramento at pagdiriwang ng Banal na Misa.

Ibinahagi ng Obispo na Sinovac ang bakunang ginamit sa kanya.

Batay sa monitoring ng Department of Health umabot na sa humigit kumulang 800-libo ang bilang ng mga nabakunahan sa bansa.

Inaasahan namang darating pa sa bansa ang karagdagan pang mga bakuna para sa tuloy tuloy na vaccination rollout ng pamahalaan.

Hinimok pa ni Bishop Santos ang mamamayan na patuloy sundin ang safety health protocol bilang pakikiisa at pag-iingat sa kapwa.

“To follow the health protocols is our service to them,” ani Bishop Santos.

Una nang nanawagan sa mananampalataya ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na suportahan ang programang pagbabakuna ng pamahalaan at tiniyak ang pakikiisa ng simbahan dito upang tuluyang mapuksa ang virus at mawakasan ang pandemya.

Ilang obispo na rin ang nagpabakuna kontra COVID-19 tulad nina Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo at Baguio Bishop Victor Bendico.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 38,578 total reads

 38,578 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 136,286 total reads

 136,286 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 180,555 total reads

 180,555 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 203,664 total reads

 203,664 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 277,035 total reads

 277,035 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top