Share the gift of Christianity, Cardinal Quevedo sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 799 total reads

Hinimok ni Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo ang mananampalataya na patuloy ibahagi ang biyaya ng pananampalatayang tinanggap.

Ito ang mensahe ng Cardinal sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity in the Philippines na ginanap sa Cebu City. Sinabi ng Kardinal na ang paggunita sa ikalimang sentenaryo ay pagsisimula ng panibagong paglalakbay upang tuparin ang misyon ni Hesus.

“Rejoice in the gift and share that gift. This is not the end of the 500 years of Christianity. In fact, the beginning or the launching of the 500th year of faith. And launching would not mean anything if in our lives we don’t say ‘thank you, Lord’ and not until we share that gift,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Quevedo.

Ayon sa Kardinal, mahalagang payabungin pa hanggang sa mga susunod pang henerasyon ang biyaya ng pananampalataya na tinanggap ng mga ninuno 500 taon ang nakalipas.

Nagagalak ang Kardinal sa patuloy na pagpapahayag ng mga Pilipino sa kristiyanismo hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang mga bansa sa buong daigdig. Una nang kinilala ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga Filipino migrants bilang misyonero. Sang-ayon din si Cardinal Quevedo sa malaking responsibilidad na ginagampanan ng mga Overseas Filipino Workers na katuwang sa misyon ng simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita.

“OFWs don’t go out on the streets to proclaim the word of God. They do so not by words but by example of a faithful Christian life,” ani ng Cardinal. Sa paggunita sa unang binyag na inihasik ng mga misyonerong espanyol noong 1521 halos 500 indibidwal sa Arkidiyosesis ng Cebu ang tumanggap ng mga sakramento ng simbahan na nagpapatunay sa pagiging bahagi ng sambayanan ng Diyos.

Bukod pa rito ang pinalawak na mass baptism sa iba’t ibang diyosesis sa bansa sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity. Pinangunahan naman ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang selebrasyon noong Abril 14 sa Plaza Sugbo sa paligid ng Basilica Minore del Santo Nino de Cebu at Magellan’s Cross. Dumalo rin sa pagtitipon ang ilang obispo ng simbahang katolika at mga pari mula sa karatig lalawigan ng Cebu.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 11,138 total reads

 11,138 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 42,411 total reads

 42,411 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 121,782 total reads

 121,782 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 216,008 total reads

 216,008 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 276,132 total reads

 276,132 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top